CHAPTER 2

47 2 1
                                    


/Farrah (calling)/

"Eto na wait lang nag-aayos na"

"Bff naman hindi mo na naman ako pagsasalitain. Wait ha kalma ka! May sasabihin ako."

"Oh ano yun? Hindi tayo tuloy?"

"Loka loka, syempre tuloy tayo..."

"Kala ko hindi eh, eto na magsasapatos na ako"

"Wait kasi nga.. kulit nito"

"Ikaw kaya makulit puro ka wait!"

"Sige na eto na sabihin ko na"

"Ano nga iyon? Yaman mo talaga! yung bill mo tataas na naman yan"

"Uii ingay mo, minsan lang to hahahaha"

"Magkikita naman tayo mamaya mo na lang sabihin kasi iyan"

"Sasabihin ko na eto na talaga puro tayo segway eh!"

"O dali na kasi!"

"Mala-late ako ng 1 hour pano kasi si dad may pinapa-hintay na documents eh kailangan kong asikasuhin muna bago umalis"

"Grabe ha! Iyon lang pala rami mo pang-wait wait..sige sige hintayin kita maglilibot muna ako sa mall, kita na lang tayo at text mo ko okay?"

"Gusto mo pa tawag eh hahahaha"

"Ay oo nga pala mayaman ang friend ko pagdating ng bill niya hahahaha"

"Hahaha shhhh! Ang ingay mo! Hindi ako mayaman! Mayaman lang ako sa pagmamahal"

"Ewan ko sayo rami mo alam"

"Of course talino ko kaya"

"Oo na at maganda pa"

"Uii wag ganun ang honest mo hahahaha"

"HAHAHAHA..Nagkakalokohan na naman tayo ehh sige na annyeong"

"Annyeong see you later!"

"Ang haba pa pala ng hihintayin ko buti 5pm pa lang at ang aga ko pa lumabas ng resto para makapag-prepare,gusto ko sana mahaba-haba yung pag-lilibot namin. So....dinner date nga talaga mangyayari. Kaloka bff ko talaga."

Habang nasa labas ako, naglalakad lakad iba pala yung feeling na minsan solo ka. Buti na lang malapit lang yung mall sa amin kaya okay na maglakad na lang.

Habang naghihintay na mag-green light para makatawid papuntang mall.Sumagi na naman sa aking isipan, yung panaginip ko last month. Bakit kaya hindi maalis alis sa isipan ko?

Erase erase ayaw ko na isipin iyon masakit sa ulo talaga! Nakakastress! Hehe. Mga ilang seconds na lang at mag-green light na. Maraming tao na tatawid, kailangan alerto para makasunod sa agos.

Naglalakad na ako hanggang sa may humawak sa aking kamay. Nagulat ako! Hindi ko alam kung sino iyon. Paglingon ko bigla niyang binitawan ang kamay ko. Hindi ko maaninag kung sino yung taong iyon dahil sa suot niyang itim. Pero pagkaka-alam kong lalake na matangkad at may magandang pangangatawan na tila nagmamadali rin siya.

Nagkibit-balikat na lang ako. Dahil sa sobrang rami ng tao, nabubunggo na talaga ako kaya ipinagpatuloy ko na lang yung paglalakad.

Habang nag-wiwindow shopping ako. Napa-isip ako kung sino ang lalake na iyon. Bakit kaya niya nahawakan yung kamay ko? Baka hindi naman niya sinasadya.

"Ui!"

"Wwwaaaaaaahhhhh"

"HAHAHAHA ano na naman ba nangyayari sayo? Ellie!"

Dreaming In Love [BTS FAN FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon