CHAPTER 4

39 1 2
                                    

Marami na naman kaming gagawin today, kailangan ko ng pumunta sa Min Diners.

Papunta na sana ako ng tumawag si Farrah. Kaloka talaga si bff, kagabi ko lang kausap namiss na naman ako.

"Yeoboseyo?!"

"BFF!!!!!"

"Namiss mo na ako agad,kagabi lang tayo nag-usap! Kamusta bff ko?"

"Of course ganun kita ka love... yiieee.. eto maganda pa rin hahaha char!"

"Asus....raming langgam sa ka-sweetan mo. bakit ka napatawag? Papasok pa lang ako sa work"

"May chika ako, kasi kasi omggg"

"Eh?! Nauna muna ung kilig, oh bakit may sinagot kana sa mga manliligaw mo?" Si Farrah talaga pati ako na-eexcite.

"Kasi may nagshare sa akin about boy group.. sikat dito sila friend"

"Oh tapos..."

"Wala lang kasi baka gusto mo tingnan kinuwento lang sa akin to pero hindi ko pa chinecheck"

"Bakit ako? Nako busy ako friend!"

"Sige na bff tingnan mo ha!"

"Sige sige kapag may oras....sino ba yun?"

"BTS!" Mahina niyang pagkakasabi.

"Ano? Ano?"

"B...ay mamaya na nga lang andyan na si dad may meeting pa kasi kami.. sige na sige na babye.. love you friend"

"Sige sige.. papasok na ako! Hwaiting bff"

"Ingat bebe... Hwaiting sa Min Diners.. bye"

/Call ended/

"Ay! Hahahaha"

Makapasok na nga lang, nahahawa na ako sa kaibigan ko sa kalokahan. Sabagay loka loka na nga ako kakaisip ng mga nalalaman ko lately. Magpapakabusy na nga lang muna ako.

Pagpasok ko sa resto namin. Jusko kakabukas pa lang rumarami na agad yun tao. Go go go Ellie kaya mo yan!

Tumutulong muna ako sa mga empleyado namin and to observe na rin kung okay ba ang pagtatrabaho nila, mamaya na lang ako gagawa ng about sa mga papers na binilin ni mama.

Ilang oras ang nakalipas, hindi ko namalayan na maggagabi na pala. Hindi ko napansin na hindi ako nakakain ng lunch.. etteoke! Huhu

"Manager Ji, pahingi na lang ako ng coffee and biscuits nalipasan kasi ako ng kain. Quiet ka lang kay mama ha!"

"Ms.Ellie talaga sa super hardworking mo ayan napabayaan mo na pati pagkain."

"Sorry manager hihi *peace sign*"

"Sige sige... dalhin ko na lang po sa office niyo"

"Thank you!"

Si Manager Ji talaga, ang gwapo magsermon ahihi. Stop Ellie! Harot mo!

Natapos ko lahat ng paper works, sa wakas makakauwi na rin. Pababa na ako mula sa office ng may maaninag ako na isang tao sa gilid ng resto.

Omgg sino to? Kinakabahan naman ako..

Paglapit ko! isang lalaki...sisigaw na sana ako ng bigla niyang tinakpan yung bibig ko! Mas lalo pa akong natakot dahil naka-black mouth mask pa sya at black cap.

Tinitigan ko maigi kung sino ito.Familiar yung mukha niya at siya yung kahapon na nakabunggo sa akin.

"Ssshhhh" sabay bitaw niya sa bibig ko.

Dreaming In Love [BTS FAN FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon