CHAPTER 5

33 1 1
                                    



"O ayusin niyo na iyan, o kulang pa ng plates and glasses sa table no.7. Pakilagyan na lang please. Thanks!" Pag-request ni Manager Ji sa mga waiter and waitress.

Maganda ang pamamalakad namin sa resto for the past few days. Achievement din ito. Ilang araw na rin hindi bumabalik si mama. Busy talaga sya sa new business niya, hindi na siya nakakatawag at puro text na lang siya.

Pati si Farrah hindi na nakakatext. Kailan kaya sila babalik? Namimiss ko na sila.

Parang nakakalungkot naman kung wala yung mga mahahalaga sa akin. Pero kailangan kong maintindihan na may kanya kanyang kaming gawain na kailangan namin pagtuonan ng pansin.

Habang pinagmamasdan ko ang nangyayari ngayon sa Min Diners. May kumalabit sa akin.
Si Manager Ji pala.

"Ms.Ellie!"

"O ikaw pala manager, bakit?"

"May kailangan lang po akong ipasa na papers na kailangan niyo pong pirmahan. Pasensiya na po pero okay ka lang ba?"

"Hmmm okay naman.. namimiss ko lang sina mama at Farrah!"

"Ahhh ganoon po talaga kapag malayo ang mahal mo sa buhay."

"Bakit Manager Ji hindi mo ba kasama yung family mo? may asawa kana ba?"

"Wala pa po! Actually, nasa province po yung family ko kaya madalang lang ako umuuwi."

"Ahh.. nakakamiss ano? Hayaan mo mabibisita mo rin sila. Medyo busy lang sa trabaho natin eh."

"O nga po eh sige po Ms.Ellie balik na ako sa trabaho."

"Okay sige salamat! Babasahin ko muna ito then pipirmahan ko okay?"

"Yes Ms. Ellie! Tawagin niyo lang ako kung may kailangan"

"Okay! Ay manager Ji lalabas muna ako, ikaw muna bahala tapos itong papers pakilagay na lang sa table ko. Salamat"

"Sige po"

Naglakad lakad muna ako para makasagap ng sariwang hangin, habang naglalakad ako may nakita akong isang lalaki na parehas na parehas sa nakita ko noon. Bumalik na naman sa akin yung nangyari noong nasa mall ako.

"Sandali....."

Sa bilis niya, hindi ko na siya naabutan. Hanggang sa may nagtakip ng aking mga mata, dahan dahan niyang tinakpan ang aking mga mata. Hinawakan ko ang kanyang kamay hanggang sa paglingon ko.......

Si Jungkook palang nakangiti sa akin. Kahit naka-mask siya ngayon, makikitang nakangiti siya dahil sa kanyang mga mata.

"Ano ginagawa mo dito? Bakit ka nandito? Dba may trabaho ka?"

"Ahhh eehhh kasi may hinahabol ako tapos alam kong pumasok siya dito sa building na ito."

"Ha?! Eh! Wala naman pumasok ah?! Saan? Saan?" Maloko niyang pagtatanong.

"Jungkook naman eh! Ang loko mo!" Napapangiting kong sabe.

"Oh ayan ngumiti ka rin, halata kasi sayong nag-aalala ka..bakit ano ba nangyari? Bakit ka may hinahanap?"

Dreaming In Love [BTS FAN FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon