CHAPTER 11

18 1 0
                                    

Ellie's POV

Tama nga ang sinabi ng pinsan ni Farrah, naging memorable ang gabing ito. Nakilala ko kung sino ang mga members ng bangtan, nakakatuwa rin silang pagmasdan lalo na ang hangaan ang kanilang naging performance ngayong gabi.

"Ellie, omggg may bias kana ba sakanila?" tanong ni Farrah habang kami ay papalabas na.

"Hmmm bias? Wala eh! Lahat sila magaling at mga gwapo." Pagsagot ko.

"Talaga? Hmm sabagay pero wala talaga? Yung gusto mo talaga." Pangungulit ni Farrah.

"Hmmm secret... hahaha joke, uhmm wala pa talaga eh! Bakit ikaw ba?"

"Si Hoseok! J-hope! Sinearch ko kasi now lang, siya pala si Jung Hoseok!" Pagbablush ni Farrah.

"Hala siya kinikilig! Hahahaha Congrats bff may nagpakilig din sayo!" Pagbibiro ko kay Farrah.

"Tse! Wag ka nga dyan! Hahaha" pagkunwari ni Farrah.

Maya-maya lang may nagtext kay Farrah.

"Bff! Punta pala tayo ulit sa mga pinsan ko, yung Id kasi nakalimutan nating ibigay! Now na raw bago tayo umuwi"

"Ah o sige! Oo nga pala noh!"

Hindi namin naisauli dahil sa pagmamadali namin kaninang lumabas, para na rin kasi kaming lutang sa mga nangyari.

Nasa backstage na kami habang hinihintay namin ang dalawang pinsan ni Farrah.

"Kamusta? Nag-enjoy ba kayo?" Pagtanong ng mga pinsan ni Farrah na sila din ay mukhang nag-enjoy.

"Oo naman! Ang ganda ng concert!"

"Buti naman! Ang ganda dba! Yiieeee..ay wait bago maiba ang landas natin sa kilig, siya nga pala yung id?"

"Ay ito na pala hahaha, thank you dito! May nangyari lang kasi kaya nakalimutan namin ibigay, nagmamadali na kasi kami lumabas"

"Ahhhhh ganun ba... o sige sige ingat kayo pauwi mamaya! Maiwan na namin kayo marami pa kasi kaming aayusin dito."

"Sige po, thank you po!" Pagpapasalamat ko sa dalawang pinsan ni Farrah.

Papalabas na kami ni Farrah ng pinigilan ko siya.

"O bakit?"

"Wait lang mag-restroom lang ako!"

"Ahh o sige sige sama na ako!"

Nauna akong lumabas kay Farrah sa restroom, nag-aayos pa kasi siya.

Habang naghihintay ako at nag-kakalikot ng phone ko, may sumitsit sa akin sa isang room. Pagtingin ko si Jungkook pala, lagi na lang to sumisitsit parang bata eh.

Nasa isang vacant room kami at nakatitig lang siya sa akin.

"Sorry!" Sabi niya sa akin.

"Oh? Bakit ka nag-sosorry?"

"Hindi ko sinabi yung totoo at akala kong alam mo rin.." pagpapaliwanag niya.

Dreaming In Love [BTS FAN FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon