Seokjin's POV
Matagal na rin noong huling nakita ko yung babaeng, nagpatibok ng nanahimik kong puso.
Sino kaya siya?
Namukhaan kaya niya ako? Sana sa isang palatandaan man lang ay makilala niya ako.
"Jin Hyung! Okay ka lang?"
"Oo okay lang naman, bakit?"
"Lalim na naman kasi iniisip mo eh!"
"Ahhh.. Jimin naalala mo ba yung lumabas tayo noon. Yung nag-punta tayo sa mall?"
"Oo bakit? May nakabunggo ka pa nga noong patawid na tayo."
"Oo tama! Nakilala mo ba yung mukha nung babae?"
"Hindi eh! Pero mukhang maganda siya."
"Kala ko nakita mo. Hindi ko kasi masyado makita yung mukha niya dahil sa suot niyang muffler scarf, tapos ang rami pang tao. Sino kaya iyon?"
"Nakooo yung nanay namin puma-pag-ibig!hahaha Maalala mo rin iyon malay mo biglaan."
"Jin hyung!" Pagtawag sa akin ni maknae, sabay upo sa tabi ko.
"Oh..?"
"Hindi kaya nakita kana ulit niya, tapos hindi mo lang napansin?"
"Hmmm..siguro? Pero hindi rin naman niya ako papansinin kasi hindi niya ako kilala."
"Hyung naman, sa gwapo mong yan hindi ka makikilala... hayyy tsk tsk!" Sagot naman ni Jimin.
"Sabagay! Hehe yan tayo eh.. ipag-luluto kita Jimin mamaya."
"Yan...(sabay apir) anong luto gagawin mo?"
"Luto-lutuan! Hahahahaha"
"Hindi nakakatuwa Jin Hyung." Nakasimangot na sabi ni Jimin.
"Biro lang sige mamaya lulutuan ko kayo." *wink*
"Hayy ewan ko sainyong dalawa, gulo niyo kausap..basta hyung magkikita rin kayo nung babaeng iyon. Kung itinadhana talaga kayo." Sabe ni Jungkook naman sa akin.
"Sana! Pero sa ngayon malabo siguro."
Katuwa lang din kausap nitong sina Jimin at Jungkook. Lakas magbigay ng pag-asa.
[Last day of concert]
"Lalabas lang ako saglit" sabi ko sakanilang lahat.
Matagal tagal rin ako nag-stay sa isang room at habang pabalik na ako, namukhaan ko ang babae na papasilip pa lang sa dressing room namin.
Papalapit na ako sakanya ng may napansin ako sa isang gilid. Bracelet? Kinuha ko agad ito at nilapitan yung babae.
Hinila ko agad siya papalayo sa dressing room at para wala na rin makakitang iba baka maging malaking gulo pa.
"Sino ka? Ano ginagawa mo sa dressing room namin?" Seryosong tanong ko sakanya.
Sa una, natakot siya at parang hindi pa alam ang isasagot pero medyo nagtaray siya dahil sa takot at kaba na rin. Siya pala si Min Ellie, ang ganda ng pangalan niya. Kasing ganda rin niya. Naibigay ko rin iyong hinahanap niyang bracelet na kasing kinang din niya.
Nakakatuwa siyang biruin, hindi ko akalain na first time niya kaming makilala at sa mismong concert pa. Kaya mas lalo ko siyang naiintindihan sa mga naging reaksyon niya kanina. Sana mag-enjoy siya sa gagawin namin.