Chapter 25:Physical Defense

1.6K 56 0
                                    

Narito na ako kanina pa at kakwentuhan ko sila Creia at Andreu. Ang dalawang matalik kong kaibigan.

"Masaya ka ba ngayon?" Tanong ni Andreu sa akin.

"Oo. Masayang masaya dahil alam kong gagabayan tayo ng mga teachers dito atsaka--" pagpuputol ko sa pahayag ko dahil bigla syang sumingit.

"No. What I mean is, masaya ka ba sa piling nya?"tanong nya.

"Aah. Ni steven? Oo. Masaya ako dahil mahal namin ang isa't isa." Sabi ko.

"Ah. Stay strong." Sabi nya at unti-unting lumapat ang ngiti nya sa labi.

"Hey guys, ano ganap?" Tanong ni Creia na sumingit sa aming dalawa.

"Ah, wala naman. Talking about Love interest." Sabi ko.

"Ay. Sama ako dali. Wala ako makausap eh." Sabi nya.

Umupo na sya sa gitna at ngayon ay pa-triangle na kami.

"Sa tingin nyo ba makakalabas tayo ng buhay dun sa league?" Tanong ni Andreu na halata ang pagkakaba.

"What kind of question is that Andreu?" Tanong ni Creia.

"Of course its ridiculous pero gusto ko lang malaman ang pahayag nyo." Sabi nya.

"Oo naman. Lalabas tayo ng buhay lahat sa league at haharapin ang tunay na buhay." Sabi ko.

"Pero--" sabi nya pero pinutol ko na ito ng iclose ko ang fist ko sa harap ng mukha nya.

"Kailangan nating lakasan ang loob natin. Wag kayong magpadala sa takot nyo dahil once na naging isa ang katawan at takot nyo, lalamunin nya kayo ng buong buo." Sabi ko.

Nirepeat ko lang ang sinabi nila sakin noon.

Ang mga kinakatakutan mo ay dapat hinaharap.

Dumating na si Mr. Hoffer. Ang proffesor namin sa Ecology.

"You ready?" Tanong nya sa amin.

Walang sumasagot dahil kabado na kami dahil simula kanina pa, ang mga gurong dinadala nila dito ay ang mga guro na may taglay na kakaiba at delikado kalabanin. Mas maganda daw na sanayin kami sa mga extraordinary opponents para mas handa daw kami.

"Okay let's start the practicum then." Sabi nya ng medyo natatawa.

"Ang blessing ko ay ang heavy ereuption. Halimbawa, ang mga tubig kaya ko pasabugin ang pinaka ilalim nito, ang lupa at ang bulkan at ang kung ano ano pa." Sabi nya.

Ngayon mas naging malinaw sa amin ito.

"Paano nyo ko maiiwasan, it has somethinh to do with physical combat. Bugbugan kung baga—at alam nyo kung ano ang pinaka delikado, kaya kong pasabugin ang kinatatayuan nyo ng walang alinlangan." Sabi nya.

Nakakatakot ang kaya nyang gawin. Parang napaka delikado na syang kalabanin.

"Let's start." Sabi nya.

Tumayo kaming lahat at nararamdaman namin ang mga pagyanig ng lupa. Hindi naman ito parang kay Ms.Madridé dahil pag dagundong lang ito. Parang bibitakin nito ang lupa.

Naririnig na namin ang panggigigil ng lupa para sumabog pero wala kaming idea kung saang banda ang papasabugin nya.

Nagulat kami ng sumabog ito sa tabi ni Creia.

Lahat kami ay napadapa at umiwas sa debris na nanggaling sa baba ng lupa.

Malalaglagan sana ng puno si Raven pero bago sya madaganan ay nahila ko na sya.

STELLAR ACADEMY✔Where stories live. Discover now