Twenty

24 5 0
                                    

Naisipan ni zamantha na mag slumber party kami.

Lahat sila nagiingay lalo na si hoseok at taehyung. Naka onesies sila, kabayo kay hoseok at alien kay taehyung.

"Huy!" Napagitla ako sa biglang pagtawag ni jungkook.

"Tawag ka ni jimin" tumango lang ako at tumungo sa kwarto ni jimin.

May sarisarili daw silang kwarto dito kaya madalas silang mahahanap dito.

Bago ako makapunta sa kwarto ni jimin, napadaan ako sa kwarto ni yoongi. Hindi ko sinsadyang mapatingin sa siwang habang napadaan ako.

Nasa kama sila at nagyayakapan. Mukhang naguusap sila pero nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad.

Pagkapasok ko sa kwarto ni jimin. Patay ang ilaw at lampshade lang ang nakabukas. Nasa kama siya at nakadapa, sakop ng buong katawan niya yung kama at naka blue  onesie na unicorn.

"Jimin" napatayo agad siya.

Bwisit ang cute cute niya :<

Naka eyesmile siyang naglakad papalapit saakin at iniabot yung purple unicorn onesie. Pinisil ko muna pisngi niya bago magpalit.

"MOVIE MARATHON!!" Sigaw ni hobi. Lumabas na kami ni jimin ng kwarto. Nagulat pa ako sa biglang paghawak niya sa kamay ko.

Humiga na kami sa mahabang sofa ni namjoon. Sakop nito yung bawat dulo ng kwarto. Magkatabi kami ni jimin, halos nasa gitna na kami. Nasa kabilang gilid ko naman si zamantha.

Bwisit.

"Aww couple onesies!" Sabi nito. Napangiti lang si yoongi sa kaniya at ngumiti lang din ako sa sinabi niya.

Habang nanunuod kami ng horror movie. Nilalaro ko lang yung buhok ni jimin. Huhu nakakainis talaga posisyon namin dahil komportable na ako sa kaniya.

Nakaakbay siya saakin at nakayakap naman yung isang kamay niya. Nakahawak yung isang kamay ko sa kamay niya tapos nilalaro nung isa yung pink na buhok niya.

"Gusto kong kagatin buhok mo, mukha cotton candy" napatawa naman siya ng mahina.

Gumalaw si zamantha kaya napatingin ako sa gawi nila. Sinandal niya lang yung ulo niya kay yoongi na...

Nakatingin sa amin ni jimin. Napa-iwas naman siya ng tingin nang makita niyang nakita ko siya.

Umiwas na akong tingin at nilaro lang ulot yung buhok ni jimin.

Sht.

I think I'm falling for him.

---

"Baby, wake up" dahan dahan akong napamulat itinaas yung hood ng onesie ko na nakatakip sa mata ko.

Wala sa sarili akong napayakap kay jimin. Nakakagigil kasi siya :<

"Hahaha what are you doing?" Wala akong sinagot at hinigpitan lang yakap ko sa kaniya.

"Jasmine"

"Hm?"

"I thi-"

"US IS EAT RIGHT NOW" Sigaw ni taehyung. Napasapo ako sa noo ko mentally sa grammar niya.

Nagpa-piggy back ride ako kay jimin papunta dining area kaya inasar nila kami maliban kay yoongi.

Di katulad kahapon. Maingay na kung kumain yung bangtan. Si zamantha minsan nakikitawa pero si yoongi, sadyang tahimik na.

Hindi sa pinagseselos ko siya pero sapat na rason na yung ginawa niya para mag move on ako.

Nagsorry siya at napatawad ko na siya. Pero mukhang tanga ako kung maglumpasay ako sa tuwa nung sabihin niya mahal niya pa ako.

Isa pa, breezy moves ko to kay jimin lalo na't kras ko siya huehue.

Maingay na nagkekwentuha  yung bangtan at ako naman sinusubuan paminsan minsan ni jimin.

"Kailan ba kayo matatapos sa paglalandian niyo ha?!" Napagitla ako sa biglang sigaw ni yoongi. Binagsak niya pa yung spoon and fork niya at nanlilisik na nakatingin saamin. Lahat kami natahimik at sakaniya natuon ang pansin. Nakabuka pa yung bibig ni taehyung. Hinimas himas ni zamantha yung likod ni yoongi at napa-iling lang si yoongi.

"Hm. Eh sa ano bang pake mo saamin ni jasmine? Sinusubuan ko siya dahil gusto kong iparamdam-"

"Kaya niyang kumain mag-isa" matigas na saad nito.

"Ha.. normal na saamin yun yoongi. At kung pwede, wag mo nalang kaming tignan o pagtuonan ng pansin. Nakakahalata ka masyado eh, may gusto ka ba sa girlfriend ko?" Parang may bumara sa lalamunan ko. May diin pa ang bawat sinasabi ni jimin. Napa irap lang si yoongi at padabog na umalis.

"I'm so sorry" saad ni zamantha at sinundan si yoongi.

Naiwan kaming tahimik at tulala. Binasag lang ni taehyung yung katahimikan pero parang wala akong marinig.


You changed me // Min yoongiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon