chapter 64:the wedding

255 3 0
                                    

Maria Louisa :

Ang bilis ng panahon kailan lang ng huling nagkita kami ni steven at inalok Niya ko ng kasal .
Isa na sana ako sa pinaka masayang babae
na sa wakas ay magiging isa na kami .
At magsasama  habang Buhay.

Matagal ko ng pinangarap Ang makasama siya.

Ngunit tinanggihan ko Ang alok Niya Dahil natauhan ako ng maalala muli Ang sinabi ng aking ina na kami'y magkapatid sa ama.

Hindi ko matanggap.!

At lalong Hindi ko matatanggap Kung sarili Kong kapatid Ang mapapangasawa ko.

It's insane.!

Kaya nagdesisyon na akong kalimutan siya kahit masakit .

Mamahalin ko pa rin siya ngunit ISA na nga lang bilang isang kapatid.

Pakiramdam ko sumikip Ang aking dibdib isipin ko pa lamang .

Ay. Madam huwag ka umiyak masisira Ang iyong make up.
Maarteng sinabi ng baklang make up artist na siyang nag aayos sakin.

Ito na Ang kagustuhan ng mom ko .

Natupad na .!

Nakaharap ako sa salamin at sinipat Ang sarili .
Nakabihis ako ng puting pang kasal .

Tube style at may mga beads sa paligid.

Si mom din Ang pumili nito.

Lahat ipinaubaya ko na sakanila.!

Total sila naman Ang may kagustuhan nito.

Parang isang zombie nalang ako na kung Anong gusto nilang gawin susundin ko.

Naramdaman ko Ang bakla na Hindi na ginagalaw Ang mukha ko.
Bumaling ako sa kanya ng nagtataka Kung bakit siya huminto at nakatitig nalang sakin.

Hindi ka Masaya sa araw ng iyong kasal.
Mahinahong tugon niya.
Humugot ako ng malalim .

I'm sorry , pati tuloy trabaho mo nasisira.
Pilit akong ngumiti at Saka pinunasan Ang magkabilang pisngi na may luha pa ring pumatak .
Hindi ko mapigilan.

Bumuntong hininga siya.

Isa lang Ang dahilan ng pag iyak mo.
It's either napilitan ka lang o Ang iniisip mo ay tuluyan na ng paghiwalay mo sa taong pinakamamahal mo .
Malungkot niyang tugon sakin.
Feeling ko humuhugot din siya .

Paano Niya nalaman Ang nararamdaman ko ngayon.?

Alam ko Ang pakiramdam mo dahil nangyari na sakin iyon.
Iba nga lang Tayo ng sitwasyon .
Pagpapatuloy Niya pa.
Nakatingin lamang ako sakanya.

Pinili ko Ang pamilya ko dahil ako lang Ang tanging tutulong sakanila .
Tinanggap ko Ang offer sa ibang bansa bilang isang beautician.
Nagtrabaho ako,nagsikap at tinupad Ang mga pangarap ng pamilya ko ngunit Ang kapalit ng tinatamasa ko ngayon ay Ang pagkawala ng aking minamahal.
Nanlaki mata ko sa storya ng Buhay Niya .
Di ko akalain na sa kabila ng pagiging masiyahin Niya ay may natatago pala siyang kalungkutan.

Nang isang araw nagkita kami masakit pala.
Masakit din Ang sumbatan ka ng Kung ano ano .
Lahat ng Galit Niya pinakita Niya sakin dahil sa pag alis at pagiwan ko ng Walang paalam.
Napatayo ako at hinagod Ang likod Niya.
Pati tuloy ako nadala na din SA pagiyak Niya.
Kahit magkaiba kami ng storya ng Buhay nakakarelate pa rin ako.

Hacienda Catalina series 1:ForeverMore(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon