chapter 55:This I promise you

221 2 0
                                    

Steven:

Isip isip steven..!!

Pano mo makukuha si louisa ?

I can't imagine na magpapakasal sya dun sa kolokoy na yun!

Masyado niya nang sinasamantala ang pagkawala ng memorya ni louisa.

Agh..!!

Ang sakit na ng ulo ko.

Kagabi pa ko nagiisip ngunit walang pumapasok sa isipan ko kundi ang ginawa ng ungas sa pagkaladkad niya kay louisa.

Biglang parang may bulb light sa utak ko.

Kailangan ko na mga barkada ko ..

. . . . . . . . . . . . . . . .

Sira pala ang ulo ng lalaking yun eh.!!
Hyper na pagkasabi ni glen ng kinuwento ko ang nangyari kahapon.

Andito kami ngayon sa bagong bar na sa trabaho din ni beatriz nasa isang lamesa kami at kumpleto .

Easy ka lang sweety.. Just relax okay .!
Pagpakalma ni shiela sakanya.

Sa totoo lang hanggang ngayon wala pa din ako idea sa dalawang ito kung pano nagtagpo landas nila .

Oh pre.,bakit ganyan ka naman makatingin kay glen?

Nababakla ka na ba??
Sabi ni franco at sabay ngisi . Nagtawanan silang lahat.

Ulok..!
Masyado lang ako nahihiwagahan sa dalawang yan kung pano sila nagkatagpo..
Kinuha ko ang kopita ng alak saka tinungga iyon na napapailing.

Pare naman, huwag muna ngayon . Saka ko na ikuwento pag tayo tayo lang..

Alam mo na--
Sabay hampas ni shiela sa braso niya.

Aray naman.!!
Nalukot ang mukha ni glen.

Naku.! Kawawa siya kay shiela masyadong biolente tong babaeng ito eh.!

Anyways guys. Saan na nga ba tayo?
Pagiiba na ng usapan ni beatriz. At napatingin sakin na nagtatanong .

Dun nga sa problema niya bee..
Sasagot palang ako bigla sumingit to si mike.

Tsst... Seloso.!

Ah..okay, okay..
So,kanya kanyang suggestion tayo guys kung ano pinakamagandang gawin.
At tapos nun nagkanya kanya na silang mga suggestion.
Pero wala naman ako maintindihan kahit isa .

Ano pang silbi ng mga ito sakin ?

Lalo lang sumasakit ulo ko sakanila . Tsk.tsk..

Tumingin nalang ako sa paligid ng buong bar madami ng taong sumasayaw sa dance floor marami na siguro nainom ng mga yun kaya mga hyper na .

Napatingin ako sa pinto na kung san may mga pumapasok na tao.

Napatda ako ng may isang babaeng maamo ang mukha na nakasuot na fitted dress at ang tela na umabot lang hanggang itaas ng tuhod at ang buhok niyang nakaladlad na mas lalong nagpatingkad sa kanyang kagandahan.

Hacienda Catalina series 1:ForeverMore(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon