chapter 22:the ranch and farm

272 4 0
                                    

Steven:

'San ba talaga tayo pupunta?
Nakakunot noo kong tanong sakanya.
Habang nagmamaneho ako at tinatahak namin ang daan na hindi ko alam nalampasan na namin ang hacienda nila eh.
Basta sumununod ka nalang sakin..
Baling niya sakin na parang siya pa ang excited..
kibit balikat nalang ako.
Medyo mapuno na ang mga dinadaanan namin sa paligid at hindi na matao sa lugar na ito.parang isang private place na.
Welcome to our ranch and farm.
Sabi niya ng nakalahad pa ang dalawang kamay sa ere at nakangiti.
Sinipat ko ang lugar napakalawak at napakalaki nito ah'.eto na pala ang lupain nila tinignan ko pa ang gawa sa kahoy na nasa gilid at may nakasulat na property of catalina family welcome to our ranch and farm.marami ang mga trabahador nila dito may ilan nakikita kong nagtatanim,nangunguha ng prutas sa mga puno..
Wala akong masabi sa mga nakikita ko ngayon kung 'di wow.!
Bakit ang tahimik mo na mahal ko?
Nakanguso niyang tanong sakin, ang cute lang..
wala naman mahal,naaamazed lang talaga ako.
Sabi kong nakangiti sakanya baka kasi kung ano na naman ang isipin niya sa pananahimik ko.
Ay,diyan mahal ko,ihinto mo na.
Turo niya malapit sa bahay.simple lang ang pagkakagawa nun at may tatlong palapag ito, siguro pang tamang pahingahan lang para sakanila pero sakin bahay na namin 'yan eh. .
Goodafternun ms.louisa.
Pagbati ng mga dumaan na trabahador nila ng makababa kami sa sasakyan.
Ngumiti lang naman siya.napakahumble talaga nito,kung sa iba lang kasi, baka madam o senyora dapat na itawag sakanya siguro ayaw ni louisa ng ganun.
This is our rest house, kapag inaabot na ako ng gabi dito sa ranch, hindi na ako umuuwi sa hacienda.
Sabi niya ng makapasok na kami sa loob ng bahay.nilibot ko ng mata ang kabuuan nito maganda ang pagkakagawa ah', merong ilan na gawa sa kahoy para siguro malaprobinsiya talaga ang dating nito.
Naagaw ang pansin ko sa mga nakadikit sa ding ding isang portrait ito nilapitan ko nang mas matitigan ko pa.
Ayan daw si lola at lolo ng medyo bata bata pa sila diyan..
Turo niya dito may pagkakahawig pala sakanya ang mga mata nila.
Eto naman si mom ang kasama niya diyan ang dad ko..
Sabi niya habang nakaturo sa isa naman.ang itsura ng mom niya dito sopistikada ang dating samantalang ang dad niya nakangiti pansin kong dito niya nakuha ang ngiti ng dad niya siguro din dito siya nagmana sa ugali mukha kasing mabait.
Sayang nga lang dahil hindi ko nakita at nakilala pa si dad.
malungkot niyang pagkasabi nakita ko naman sa mga mata niya ang pangungulila talaga sa dad niya..
Its okay mahal ko,
I'm sure kung andito din ang dad mo magiging proud siya sa'yo because he have a kind and beautiful daughter like you..
Pagpapagaan ko nang loob sakanya..habang hinimas himas ko ang nakaladlad niyang mahabang buhok.
-ahem . .
Narinig kong boses lalaki ang umagaw ng pansin..sabay pa kaming napalingon sa may pinto na mukhang kadadating lang.
Uncle. .
Pagtawag ni louisa at bumitaw na siya sa yakap.

Maria louisa:

Kumakain na kami ng pananghalian kasalo namin si uncle at pinakilala ko na din naman sila sa isa't isa kaninang pagdating niya.
Steven,ano bang pinagkakaabalahan mo ngayon?
Pagbasag ni uncle sa katahimikan.
Napahinto naman si steven sa pagsubo sana..
Ah..may bago pong branch ang mall na itinatayo sa cebu dun ako nadestino pero minsan lang ako makapunta may ibang representative naman po bukod pa sakin..
Nakangiti niya namang pahayag..tumango tango lang si uncle.
Nasabi nga sakin nitong si maria louisa na isa kang inhinyero tama.?
Pagkausap ulit ni uncle kaya hindi na naman naituloy ni steven ang pagsubo 'yung hawak niyang kutsara na nasa ere lang.gusto ko tuloy matawa eh..
Hindi ba 'to nangangawit??
Opo..
Sagot ni steven ng maiksi.
Kapag ba ipapaayos ko ang bahay namin at ikaw ang kunin ko ayos lang ba?
Pagpapatuloy pa ni uncle,.ano ba 'to si uncle ang dami sinasabi kay steven hindi na kasi matuloy nitong isa ang pagkain..
Ayos na ayos lang po uncle..
Sabi ni steven Habang nakathumbs up pa ang isang kamay at ang isa ganun pa rin nasa ere pa hindi maisubo.
Sige sabi mo 'yan ha',.
Ah,iho ituloy mo na ang pagkain mo..
Marahil napansin na din ni uncle 'yun natawa nalang si steven at isinubo na pagkain.
Salamat naman tsaka kanina pa sila naguusap hindi man lang ako nakapagsalita.!
Makakain na nga lang.

Mahal ko,ano anong meron dito sa farm niyo?
Tanong ni steven sakin dinala ko siya dito sa may puno ng mangga dito ako madalas nagpapahangin lang kapag
Pumupunta ako. nakalilim lang kami medyo mainit pa din kasi eh..
Hmm. .Nahahati sa apat ang farm namin meron kaming organic farm,dairy farm,sheep farming at poultry.organic farm kung saan andun ang mga fresh fruits and vegetables.,ang dairy farm naman ginagamitan namin ito ng machine para mas mapabilis lalo na kapag marami ang order minsan lang magmanual.
Tugon kong nakangiti syempre,pinagaralan ko din naman ang tungkol sa farm namin..napakunot noo naman siya sa sinabi ko.
anong manual?pano gawin 'yun?
Tanong niyang sunod sunod.
Ibigsabihin nun gamit lang ang mga kamay mo kukuhaan mo ng gatas ang mga baka minsan,nga idedemo ko sa'yo.
Ngiti ko naman sakanya.
Talaga ha',kailangan pala araw araw na akong pupunta dito.
sabi niya at nililibot ang mga mata niya sa paligid.
Ano ka ba may trabaho ka po kaya.!
Pagpisil ko sa ilong niya lumingon naman siya sakin.
Akong bahala time management lang 'yan.
Ganting pisil niya din sa ilong ko ang sweet lang namin diba..
Amf,mahal ko,bakit pala hindi ikaw ang magmanage nito?
Tanong niyang mukhang curious.
Inuuna ko muna kasi ang flowershop 'yun kasi talaga ang passion ko.pero hindi naman ibigsabihin nun hindi ko na pamamahalaan ito..maybe,in time i'll manage it..
Pagassure ko naman sakanya. Yeah,alam ko naman na hindi magtatagal ako talaga ang mamahala nito sa ayaw at sa gusto ko.ako ang nagiisang anak who can be the one who's take this responsibility kundi ako lang..
Kaya nga habang may oras pa ako nilulubos lubos ko na sa flowershop.
May bigla naman akong naisipan.
Mahal ko,manguha tayo nitong mangga.
Matamis 'yan..dali.!
Pagtayo ko na at hinila ko naman siya patayo..

Hacienda Catalina series 1:ForeverMore(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon