chapter 42:accident 2

223 4 0
                                    

steven:

darating siya alam ko.

kahit gaano pa katagal akong maghintay dito i know she is coming.

F#ck !

kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi niya man lang sinasagot at ngayon out of coverage area na siya !

what the heck.!

laking tuwa at pasasalamat ko na sa wakas sasama na siya sakin.matagal ko ng hinangad iyon.

sana naman hindi siya magdalawang isip.

napabuntong hininga nalang ako.

ano na kayang nangyayari sakanya?

hindi kaya nahuli siya ng mom niya?

impossible yun.!

siguradong mahimbing na ang tulog niya.

ang dami kong katanungan pero hindi ko alam kung anong dapat kong gawin.

tumayo ako sa kinauupuan,malapit lang sa shop niya ang tagpuan namin.

puntahan ko nalang siguro siya sa hasyenda?

pero baka lalo lang hindi makatakas si louisa kapag makita ako ng mom niya.

aghh  !!

badtrip naman. !

biglang may dumaan na ambulansiya at maingay itong nagwang-wang.

nakaramdam ako ng kaba ngunit pinalis ko din.

pumasok na muna ako sa loob ng kotse hihintayin ko nalang ang text o tawag niya.

hapong napasandal ako sa kinauupuan ko.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . .


habang nagmamaneho ako bawat daanan ko ay madilim kahit saang parte ako dumaan

teka- bakit ako napadpad dito?

itinabi ko sa gilid ang sasakyan at pinagmasdan ang kabuuan ng lugar sa kabilang dulo may namataan akong isang babaeng nakatayo at nakatunghay sakin.

kasing tindig niya si louisa.

siya na nga ba iyon?!

lumabas  ako ng sasakyan para malapitan siya.

nang papalapit na ako biglang may humatak sakanya papalayo hindi ko makita dahil sa madilim.

'san mo siya dadalhin?

tanong ko habang lumalapit sila naman ay palayo ng palayo.

louisa,huwag kang sumama sakanya.!

sigaw ko.dahil hindi ko na sila makita.

LOUISA. . .!!

napabalikwas ako at diretso ng upo.

hinawakan ko ang dibdib ko na sobrang bilis ng tibok at ang noo kong pawis na pawis pakiramdam ko tumakbo ako ng isang kilometrong layo.dahil malalim ang aking paghinga.

mabuti at panaginip lang. pinagmasdan ko ang paligid at ang kalangitan na medyo makulimlim pa.

sinulyapan ko ang oras sa aking bisig mahigit alas kuwatro na!

Agad kong kinuha ang cellphone ngunit kahit isa niyang text o tawag wala?!

dali-dali kong dinial ang kanyang numero nagbabakasakali na naka-on na ang cellphone niya.
pero wala pa rin inulit-ulit ko pa ang pagdial.ngunit operator ang tanging sumasagot.

Hacienda Catalina series 1:ForeverMore(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon