Chapter 37: Catalina's Fury

194 1 0
                                    

This part ay pov po muna ni steven.

I would like to thank din po sa pagadd niyo ng story na to' sa inyong library. Hindi ko man po kayo mamention nais ko pa rin magpasalamat thanks din sa pagvote.

Kulang nalang po ang inyong mga comments. But,anyways i am looking forward na mangyayari yun.hehe...

Enjoy reading.>


Steven:

matapos ang nangyari sa restaurant , kinabukasan nun' naging laman iyon sa diyaryo at naging usap usapan ng mga tao sino ba naman ang hindi nakakakilala kay catalina perez ang ina ni louisa na may-ari ng malawak na lupain dito sa laguna at nakatira pa sa isang hasyenda na inilabas na din sa isang magazine noon. Si louisa naman na hindi sana makikilala ng mga tao nangyari pa dahil sa kagagawan ng kanyang sariling ina. Kilala ko si louisa ayaw niya ng magulo na buhay gusto niya tahimik at payapa lang.at ako na tahimik din sana naging magulo pa tulad nalang ng lumabas ako ng isang araw siyempre papasok ng trabaho, sa condo palang yung ibang naninirahan dun kanya kanya na sila ng usapan dinig kong sabi nila masuwerte daw ako kasi nakabingwit ako ng malaking isda.alam ko kung ano ang ibig nilang sabihin dun pero wala na akong pakialam sa iisipin at sasabihin pa ng ibang tao. 

At hindi lang yun habang sakay ako ng sasakyan ko napansin kong may sumusunod sakin dinedma ko iyon pero nung pagbaba ko na kung saan ang building na pinapasukan ko nagsibabaan ang sakay ng mga nakasunod sakin na sasakyan may mga dala pang kamera sa tingin ko mga paparazzi o reporter sila na balak ako interviewhin inisip ko kung papasok ako ng building kaso baka magkagulo pa at madamay si ninong kaya ang ginawa ko pumasok ulit ako ng sasakyan atsaka pinaharurot.

Simula nun hindi na muna ako pumasok naiintindihan naman ni ninong sabi niya pa na hayaan ko daw muna pahupain ang balitang iyon dahil mawawala din naman.

Kuya, si Dad.

sabi ni shane na nakapasok na pala ng kuwarto ko at parang maiiyak ang boses.yup,andito muna ako umuwi sa bahay ng pamilya ko nalaman din nila ang nangyari.

Why? What happened?

medyo napataas ang boses ko para kasing sa tono niya may hindi magandang nangyari.nang hindi pa  rin  siya tumitinag   tumayo na ako para makababa.

Habang nasa puno ako ng hagdan namataan ko sila na nakaupo sa sofa hinahagod hagod ni mom ang likod ni dad na mukhang kagagaling lang sa trabaho,pero bakit napaaga ang uwi niya? 

Sumama kaya pakiramdam niya?

Dad,what happened? Your not feeling well?

Come on i'll drive you on a hospital.

Sunod sunod kong sinabi habang pababa ng hagdan.

Huwag ka ngang o.a ben, ayos lang ang dad mo.

Pagtataray ni mom sakin nakahinga naman ako dun nang maluwag. Umupo ako sa tabi ni dad.

Pagod la-

Wala nang trabaho ang dad mo.

Pagputol ni mom sa sasabihin ko, pinagisipan ko pa ang sinabi niya nang magsalita siya ulit.

Pinagretired siya ng maaga dahil hindi niya na daw kakayanin pa ang ibang trabaho.

Sabi ni mom ng hindi tumitingin sakin.

Pero bakit mom? Dad? Wala ka pa naman sa edad na sixty huh' 

You are not yet a senior.

 Sabi kong palipat lipat ang tingin sakanila at pinapagaan ko ang pakiramdam nila totoo naman eh, wala pa sila sa ganung edad.

Wala ka ng magagawa sa desisyon ng may ari ng kompanya,ben.

Si dad habang hinihilot ang sentido .mukhang seryoso nga sila huh'.

But,that's unfair dad.! They can't fired you like that.

Hindi sila maaaring magfile agad ng ganun nalang.  I will talk to them.

Tumaas ang boses ko nakakaasar ang kompanya na yun hindi maaari yun saka ako tumayo at naghanda para makaalis.

That's enough ben.!

Sigaw ni mom sakin.

Napalingon ako sakanya,ngayon ko lang siyang narinig na sumigaw sakin tumayo siya at nakita ko din na pinipigilan ni dad ang kamay ni mom.

Joshua, hindi ko na kayang itikom ang bibig ko sa pagkakataong ito.

Pagbaling niya kay dad at kilala ko si mom kapag galit na tinatawag niya sa pangalan si dad. Hindi nakaimik si dad piniglas niya ang kamay nito .

Hindi totoo na pinagretired ang dad mo sa kompanya may nagpaalis sakanya na hindi natin kayang pantayan o kalabanin.

Nagulat ako sa sinabi niya at napakunot Noo. Anong ibig niyang sabihin?

Si catalina perez ang ina ni louisa, anak.

Malumanay nang pagsasalita niya. Catalina perez? Ina ni louisa?

Nang maalala ko ang naging engkwentro namin. Napakuyom ako saking kamao.

Ito na ba ang paghahamon niya sakin? Bakit kailangan niya pa idamay ang pamilya ko?

Ben, anak please tama na, itigil mo na ito putulin mo na ang pakikipagrelasyon sakanya. Hindi natin kayang kalabanin ang kanyang mama.

Habang umiiyak si mom sa harap ko hindi ko kayang nakikita siya na ganito. Tinignan ko si dad na tahimik na nakaupo hindi ko alam kung ano nasa isip niya ngayon.at si shane na bunso kong kapatid na nakatunghay na samin ngayon.sila ang tanging pamilya ko.

Ano ba ang dapat kong gawin?

Ang nararamdaman ko para kay louisa o ang hinihiling ni mom para sa ikatatahimik ng pamilyang ito?!


Hacienda Catalina series 1:ForeverMore(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon