chapter 48: the dreams

195 2 0
                                    

Maria Louisa :

Palakad lakad ako sa lugar na sa tingin ko isang amusement park maganda ang lugar na 'to merong ibat ibang rides may mga batang tuwang tuwa sa kanilang mga nakikita at isa na ko dun.
Lumakad pa ko sa may pinakadulo Kung San Hindi na matao may nakita akong ilog na sobrang linaw at sa tingin ko napakalamig parang ang sarap lumangoy doon Hindi na matanggal ang ngiti sa aking mga labi .

Umupo ako sa may bench dun at katapat ang ilog na tahimik sa pagdaloy.
Biglang may kumakalabit sa gilid ko, nang hinarap ko nahabag ako sa kanya isang batang babaeng madungis at Hindi siya makapagsalita tanging senyas lang ginagawa niya . Hindi ko man maintindihan Kung anong nais niyang ipahiwatig ngunit parang alam kong kailangan niya ng pambiling pagkain .
Dumukot ako sa bulsa at ibinigay ko ang pinakamalaking pera na nagkakahalagang isang libo para na rin sa pamilya niya nakita ko ang saya niya ng tinanggap niya iyon at nagtatalon talon pa napangiti nalang ako

Naagaw ang pansin ko sakanyang likuran na maraming batang papalapit pa.
Ngunit biglang may humila sakin patayo saka kinaladkad niya ko.
Nakita kong nalungkot ang ibang mga batang nakatingin sakin habang papalayo na ko.
Inis akong bumaling sa kung sino mang walang pakundangan na humila sakin isang lalaking matipuno ang pangangatawan Hindi ko makita ang itsura niya dahil nakatalikod siya sakin at nauunang maglakad.

Teka -

Baka mamaya rapist 'to.!

Kahit pa maganda ang katawan niya.

Hacienda Catalina series 1:ForeverMore(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon