chapter 59: Louisa vs.nicole

204 1 0
                                    

Steven:

Pasulyap sulyap Ang ginagawa ko sakanya habang nagmamaneho at SA mga reaksyon Niya Wala talaga siyang idea Kung saan kami pupunta.
Nung nasa supermarket kami at namili ng mga pagkain alam Kung nagtaka man siya ngunit Hindi man lang nagtanong .
Pati Ang mga pang batang laruan na pinamili din Namin SA mall ay Wala siyang Isang salita tungkol dun.

Ngayon ay sumulyap ulit ako sakanya at nagtagpo Ang aming mga mata.

Bakit- kanina mo pa ko tinitignan ng ganyan?
Nagsalubong Ang kanyang mga kilay .
Natawa ako ng mahina at itinuon muli SA kalsada Ang aking paningin.

Wala Naman masama Kung titigan ko Ang Isang napakagandang babae sa balat ng Lupa .
Hindi ba?
Hinaluan ko nalang ng pagbibiro pero Maganda talaga siya.
Ng sinulyapan ko ulit siya Kita Kong namula Ang mga pisngi Niya.

Pwede ba .! Huwag mo na nga kong bulahin diyan.
At sabay nguso Niya. Ang cute lang.!

Nakita ko Naman Ang gate na luma na Kung tignan pero Maganda Ito pagdating SA loob.

Malaki na din Ang pinagbago nito Simula ng ipaayos ko ngunit Ang gate Ang ayaw nilang papalitan dahil may alaala Ang Isang mother nila Dito.
Hindi ko nalang tinanong pa Ang tungkol dun.
Marami na ding iBang mga baguhan na nagsisilbi at mga ibat iBang bata .
Yung IBA naglakihan na din SA Lugar na Ito.

Pinasok ko Ang sasakyan SA loob at pumarada na.

Nauna akong bumaba upang pagbuksan siya SA kabilang pinto.

Nakita ko sakanya Ang pagtataka.

Teka- nasan Tayo ?
At ano ginagawa natin Dito?
Tanong Niya habang bumababa.

Welcome to children's joy homes foundation.
Pag ngiti ko sakanya.
At may mga batang nagtakbuhan palapit samin.

Kuya Steven .
Sabi Nung Isang may putol Ang kaliwang braso.

David. Kamusta na?
At lumuhod ako SA harapan Niya para magpantay kami.
Siya Ang pinaka close ko sakanilang lahat.

Okay na okay Kuya .!
Masigla niyang sagot at nag appear kami.
Tumayo ako para ipakilala sakanila si Louisa.

Mga bata, may Kasama ako at Ang pangalan Niya ay si ate Louisa.

Ano Ang dapat niyong Sabihin sakanya?
Tanong ko sakanila.

Ikinagagalak po Namin kayong makilala ate Louisa .
Sabay sabay nilang sagot yung iba nga lang bulol pa .
Pinagmasdan ko si Louisa at Nakita ko sakanya na para siyang maluluha .
Lumuhod siya SA harapan nila upang magpantay din.

Kinagagalak ko din kayong makilala .
Sagot niya.

Steven..Nariyan ka na pala.
May nagsalita galing SA likuran Namin . At lumingon ako.

Si mother Elizabeth Ang bagong namumuno SA lahat.
Si mother Teresa ay dalawang taon ng namayapa.
Hindi ko pa alam Kung pano sasabihin Kay Louisa dahil SA ngayon ay Wala pa siyang maalala.

Kamusta po mother?
Tanong ko ng nakalapit siya .

SA awa ng Diyos mabuti Naman.
Sagot niya at napatingin SA katabi ko .

Hacienda Catalina series 1:ForeverMore(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon