Lakad- takbo ang ginawa kong pagbaybay sa kahabaan ng malaking corridor. Crap!! Bakit kasi nasira pa ang alarm clock ko kung kelan may unit test kami!!
Papaakyat na ako sa stairs nang matanggal ang sintas ng sneakers ko. Inilagay ko yung left foot ko sa secont step ng stairs at saka ako yumuko para i-ribbon ulit yon.
I felt someone tugged on my skirt. Takte! Naka-cheering outfit lang kasi ako kaya sigurado ako kitang-kita nung kung sino mang manyak na yun ang aking flawless thighs. (hihi opo!! Taas lang ng confidence ko.) Puwes! Kung sino man sya, nagkamali sya ng binosohan! Kayang-kaya ko syang patumbahin gamit ang taekwondo moves ko.
I bend forward so my weight was concentrated on my left foot that was on the stairs. I spun around and let my foot fly straight to that bastard's face. But he was fast, he caught my ankle.
"I just save your butt from prying eyes, ganyan pa ang igaganti mo?" He was grinning maliciously. Somehow hearing that voice, it calmed me down.
Mabilis kong binawi ang paa ko. Napawi ang kabang nararamdaman ko at napabuntong-hininga na lang ako. Buti hindi naman pala isang manyak , just my bestfriend.
"Bernard Franco Elizada!! Ginulat mo ko!!" sigaw ko. Inismiran nya lang ako.
Bernard Franco Elizada, Burn for short. 18 years of age. 4th year sa Spencer High. Captain ng Football team. No. 1 sa top 5 ng star section. At isang certified Casanova.
"Ang clumsy mo talaga kahit kelan!! Eh, Paano kung may namboso sayo?" humalukipkip sya.
And oh!! Isali na rin pala sa titulo nya ang pagiging overprotective bestfriend. I just rolled my eyes at him.
"Oh, please! Para namang di ko sila kayang ipadala sa emergency room." Sarkastiko kong tugon.
Seryoso nya lang akong tinitigan. "Klarissa Athena Veres." That's me! Issa lang for short. 17 years of age. Kaklase at bestfriend ni Burn. A cheerleader at isa sa founder ng Cafe Casanova magazine.
Ang CC ay isang magazine for girls, naka-feature doon ang mga infamous Casanovas ng Spencer High. Coffee table book yung style ng magazine namin, yung tipong mas maraming pictures kesa sa articles. Ok lang din naman sa mga readers kasi monthly naman din ang releasing namin. For me dedicated ko yun kay Burn na halos sa lahat ata ng issue ng magazine ay featured sya.
Nung hindi pa rin nawawala ang kaseryosohan sa mga mata nya napa-huff na lang ako.
"Ok, fine! di na po mauulit mahal na prinsipe. Mag-iingat na po ako, promise." Sarkastiko kong sabi sabay taas ng right hand ko.
Ngumisi sya at ginulo ang buhok ko "Good girl!" saka nya ako inakbayan. Bipolar ata talaga tong lalaking to! Ang bilis magpalit ng expression.
"Tara na! baka 'di pa tayo makahabol sa unit test."
Oh Sh!t! I totally forgot about the unit test!! Nagmamadaling tumakbo ako habang tumatakbo ring sumunod sa akin si Burn.
Siya na mismo ang nagbukas ng pintuan ng classroom naming. At gaya nga ng kinatatakutan ko ay nasa gitna na sila ng test. Kasalanan tong lahat ng mokong na to eh!!
Napatingin silang lahat sa amin. "Ahh! Mr. and Mrs. Elizada! What happened at ngayon lang kayo?" biro ng professor naming.
Tinutukso kasi kami sa classroom na 'di naman daw ata kami magbestfriend kundi magboyfriend. My always response is 'I'm too beautiful para pumatol sa pangit na yan!' hihihi. But most of the times we just shrug it off. Kasi kahit ano naman sabihin ng iba alam naming ang totoo, at yun lang ang mahalaga.
Malaya kasi kaming magkulitan sa room dahil walang mga haliparot na kukuyog sa akin (A.K.A Burn's fangirls). Puro kasi lalaki ang nasa Star section at lima lang kaming babae na swerte naman ay immune sa gayuma ni Burn.
Sasagot na sana ako upang magprotesta pero inunahan ako ng kumag "Honeymoon, sir!" nangingising sabi nya. Pinaningkitan ko sya at kinurot sa tagiliran. Pero parang wala man lang syang naramdaman. Gawa ata sa bakal ang lalaking to!!
"Tama na ang harutan! Kunin nyo na ang mga test papers nyo at maupo na kayong dalawa." we did as instructed. At sa loob ng tatlumpung minutong natitira ay sa awa ng langit nasagutan ko naman lahat! Tss! Chiken lang!!!! hahaha ohhhh myyyyyyyy napuno na naman ng helium ang ulo ko!!! hahaha pasensyahan nyo na lang po!!
────────ツ
[Bitin ba??? sorry po!!! wala kasi akong magandang maisip para ipakilala yung characters ko eh.... uhm, readers bear with me po kasi medyo slow ako mag-update eh :) thank you sa pag-unawa!!
~Fooding ^_^]

BINABASA MO ANG
A Casanova's Confession
Teen FictionMs. NBSB, Issa Veres, has Spencer High's infamous Casanova, Burn Elizada, for her bestfriend. Just as her bestfriend. Period. Hindi na hihigit pa doon. Or so she thought... But her last year in highschool change everything. Hanggang bestfriend nga l...