Tumatakbo ako papunta sa Mcdo kung saan kami magkikita ni Loki. 3 pm ang usapan namin pero dahil traffic ay 3:30 na ako nakarating sa mall at kinailangan ko pang takbuhin. Waaaahhh! I hope di siya nainip at umalis na lang.
Pinagbuksan agad ako ni manong guard. Nagpalinga-linga ako upang hanapin ang pamilyar niyang pigura.
Nakahinga ako ng maluwag nung makita ko siya sa table malapit sa bintana. Akala ko talaga umuwi na siya at di ako hinintay.
Lumapit ako sa kanya pero parang di niya naramdaman ang paglapit ko. Nakatitig lang siya sa labas ng bintana at tila malalim ang iniisip.
Ang cute niya kapag seryoso!! Parang gusto ko na lang siyang titigan.
Kumurap-kurap siya like he just woke up from a trance. Siguro ay naramdan niyang may nakatitig sa kanya at nadama niya ang presensya ko kaya napalingon siya sa direksyon ko.
"S-Sorry na-late ako. Traffic kasi eh." pagpapaliwanag ko. Syempre nay kasamang pagpapa-cute para mas effective!! hihi
His eyes lit up at ngumiti siya. He somehow looked relieved or baka ilusyon ko lang yun. Tumayo siya at pinaghila ako ng upuan. Pagka-settle ko ay saka siya umupo sa katapat na chair.
"It's okay. You're worth the wait." he winked. Di ko maiwasang di bigyan ng double meaning yung sinabi niya, it's like he was referring to some time─long ago.
Pasimple kong kinagat ang pang-ibabang labi ko upang pigilan ang pagngiti sa sobrang kilig. Enebeyen!!! Naiihi aker!! hahaha an landi ko!!
Hay naku!! Kung di lang siya Casanova malamang matagal na akong na-in-love sa kanya! He is indeed very charming, kaya nga "The Charmer" ang bansag sa kanya.
Balita ko, no woman, as in zero, ang naka-cross ang landas niya na hindi naiiwang patay na patay pa rin sa kanya. Deym!
But Casanova's are not in my list of ideal boyfriend. Kaya malabo.
Ngumiti lang ako bilang response sa sinabi niya.
"So, what do you like? Ako na ang o-order." offer niya.
"Spag lang and monster float okay na ako. Samahan mo na rin ng sundae at large fries." nakangisi kong sabi.
Well, di na ako mag-iinarte dahil si Loki lang naman ang kasama ko. Grasya na nga diba, lubusin na.
He chuckled. "Okay, chubs." he winked before going to the counter.
Nagpout na lang ako. Haysh! Hanggang ngayon ba naman! Tinutukso niya kasi ako dati na 'chubs' kasi medyo malaman ako ay may double chin. Nung junior high lang din naman ako pumayat.
Mabilis lang siya naka-orderat sigurado akong ginamitan niya lang ng charms yung mga nasa counter para mapadali siya. Perks of being him? He's irresistable.
Eto at masaya na kiming kumakain at nagku-kwentuhan. In fairness sa kanya binili niya talaga yung mga sinabi ko, lahat. Habang siya ay quarter pounder lang at coke ang order.
Nauna siyang natapos kumain. Napansin ko lang sa tuwing mapapadako ang tingin ko sa kanya ay nahuhuli ko siyang nakatitig at parang wala lang sa kanya na nahuhuli ko siya. Naasiwa tuloy ako baka kasi may dumi sa mukha ko.
"M-May dumi ba ako sa mukha?"
He tilted his head slightly to one side before answering me. "Meron." tipid niyang sagot.
Itinaas niya ang kamay niya papunta sa lips ko at marahang pinahid ang choco fudge sa ilalim ng lower lip ko gamit ang thumb niya.
I flinched pero mas nagulat ako sa sunod niyang inakto.
Instead of cleaning his thumb with tissue, he brought it to his lips and licked it, seductively.
Napalunok ako. I'm sure pulang-pula na ang mukha ko ngayon.
I've never seen his Casanova side before. And I've got to admit… he's hot! Super hot!
'Snap out of it, Issa! You're falling for his charm! Renember he's the charmer!!' pananaway ng epal kong utak.
Alam niyo, nagpapasalamat ako minsan dahil binuhay nu otor ang karakter ni epal brain. Kung hindi ay baka matagal na akong na-enchanted sa mga Casanovas na nakakasalamuha ko.
Tumikhim ako. "Thanks." ngumiti ako at bumalik sa pagkain ng sundae.
Tunawa siya. "You really are special, Issa." maaaninag ang amusement sa mga mata niya.
"What do you mean?" puzzled kong tanong.
"Immune ka sa mga Casanovas. You are the only girl who resisted my charm." umiiling niyang sabi habang nakangiti pa rin.
"Oh? I'm honored. Dahil sa mga katulad ko hindi tuluyang lumolobo yang mga ulo niyo!! Puno na ata ng helium eh." sagot ko.
Tinawanan lang ulit niya ako. Hala.. sabog ata lalaking to.
"Bakit?" kapagkuwan ay tanong niya.
"Anong 'bakit'?" tanong ko pabalik.
"Ba't ka immune? Dahil ba may boyfriend ka?" pang-uusisa niya. I never thought na chismiso tong si Loki eh. Kung ikukumpara kasi sila ni Burn, mas demure siya tignan… madaldal kasi yung isang unggoy na yun eh.
"Let's just say, thanks to Burn dahil nasanay na ako sa kanya. And to answer your second question, no, I don't have a boyfriend, since birth, and I'm proud of it." taas-noong sagot ko.
"So may chance…" sabi niya. Minsan nakakainis din ang mga pabitin nyang sentences. It leaves you with a lot of questions.
"Ano??" kunot-noo kong tanong.
"Can I court you??" seryoso niyang tanong. Napansin ko pa yung mga tenga niya ay nagturn to pink yung color. Nahihiya siya?!
Waah!! Ano ba ang pinagsasasabi niya?? Kaloka tong lalaking toh!! Gulatan ang peg!!
"Loki─" he cut me halfway before I could finish talking. Hinawakan niya ang kamay ko.
"Please, Issa. Seryoso ako sayo. I'm saying this as Loki, na kababata mo, not as Louie, who's a stranger to you. Matagal na akong may gusto sayo, mula pa nung mga bata tayo." his voice is almost pleading.
Louie kasi ang tawag sa kanya sa U.S. Yun din ang pangalang kilala as Casanova. Close friends at family lang ang tumatawag sa kanyang Loki, short for Louie Kiro. But that's not important!!
Gishhhhhh! May gusto siya sa akin?! Matagal na??? Ba't ngayon lang ako na-inform?? lels. I saw his cheeks and neck turn pink too.
What should I do?? should I give him a chance?? Well, I know him, and I'm sure he is serious when he asked me. Tingin niyo readers?? Should I let him court me?? Should I let a casanova??
─────────ツ
[Hmm. May love triangle kaya???? hihihi. Guys pakitulungan naman si Issa mag-isip. Ano say nyo Yes or No? comment niyo lang po. XoXo
~Fooding^_^]
BINABASA MO ANG
A Casanova's Confession
Teen FictionMs. NBSB, Issa Veres, has Spencer High's infamous Casanova, Burn Elizada, for her bestfriend. Just as her bestfriend. Period. Hindi na hihigit pa doon. Or so she thought... But her last year in highschool change everything. Hanggang bestfriend nga l...