Nasa loob kami ng isang sikat na jewelry store at nag-aantay na lang dun sa binili niyang pearl earrings as a gift para sa mama niya.
Tumingin-tingin ako sa estante ng mga bracelets doon. May isang bracelet na sobrang nakatakaw ng atensyon ko.
Isang silver bracelet ma mala-chain ang design tapos may maliit siyang heart na gawa sa white gold.
"Pretty..." naibulalas ko na lang.
Tatawagin ko sana si Burn pero paglingon ko ay napaatras ako. Sobrang lapit lang pala niya. Pero ba't di ko siya naramdaman kanina? Mesa pusa ata to. Sneaky.
Masyado ata akong na-engross sa ganda ng bracelet. Huminga ako ng malalim para maibsan ang kaba ko.
"Oh, ano, nakuha mo na?" inangat niya ang isang maliit na paper bag.
"Tara na." aya niya sa akin. Hinawakan niya ako sa elbow at marahang hinila palabas.
Hinila-hila niya lang ako hanggang sa mapadpad kami sa Starbucks. And as usual pinaglalawayan na naman siya ng mga kababaihan doon.
Swerte kami at bakante ang table na nasa porch. Yun 'din kasi ang nag-iisang spot na medyo magkaka-privacy kaming dalawa. Malaya sa nakakamatay na tingin ng mga babae sa loob ng coffeeshop.
Ipinaghila ako ni Burn ng upuan saka siya pumunta sa counter para mag-order ng drinks namin.
Nagpapa-cute pa ang barista dun pero patay-malisya lang si Burn kahit alam kong na-iirita na siya.
Ilang sandali lang ay bumalik na siya sa table namin. Capuccino yung sa kanya habang choco latte naman yung akin.
"Iba na talaga pag sobrang gwapo." naiiling na sabi niya.
"Lalo na kung sinabayan pa ng kakapalan!" dugtong ko.
Ngumisi siya. "Proud lang. Hassle din minsan, kahit saan ako magpunta napapaibig talaga ang mga babae sakin." humawak pa siya sa temples niya at umarteng sumasakit ang ulo.
"Signal no. 3!! Alam mo dapat kapeng barako yung iniinom mo para mas mabilis kang kapitan ng nerbyos!" inirapan ko siya at humigop na lang ako sa latte ko.
He just chuckled at my exclamation. Nangalumbaba siya sa table at matiim na tumitig sa akin.
Nakaka-awkward tuloy. Tumikhim ako before meeting his eyes again. "Ba't ganyan ka makatingin? May gusto ka sakin noh?" biro ko.
'Di man lang siya natinag. "What if ganun nga?" walang abog na tanong niya. He caught me off-guard. Seryoso pa rin ang mukha niya. He wore that mask na mahirap tantyahin kung seryoso siya o isa na naman to sa mga pranks niya.
Tumawa ako, yung tawa na kinakabahan ka? Tss! Bakit ba kasi out of the blue kung makapagtanong to!? Sabagay ako naman talaga yung nauna. Pero kahit na!!
Before pa ako makabawi ay may tumawag kay Burn.
"Burn, sweetie! What a surprise! I can't believe na makikikita kita ngayon!!" sabi ng babaeng lumapit sa amin.
Naka red fitted bestida siya. Matangkad at maputi. Kung di ako nagkakamali nasa college na siya, mukha nang matanda eh. Saka kung titignan di siya maganda, malandi lang. Gosh! bad, Issa! Sorry, but I'm not sorry for what I've said. hihihi.
If I know, sinundan niya talaga si Burn papunta dito! Hmp! Inirapan ko siya. Ok lang, nakafocus naman ang attention niya kay Burn.
Tinapunan lang siya ng bored look ni Burn. "You're ruining our coffee, Miss." Malamig na tugon ni Burn.
This is the reason why he earned the title "The Breaker". If you catch his attention, with just one look, 'di mo namamalayang you're already under his spell. For one day, he'll be sweet to you, yung feeling mo totoong-totoo, and yes just for a day, always. Di na nagtatagal pa dun, at di rin siya nag-eestablish ng kahit ano pagkatapos nun, kung ano yung nangyari sa inyo hanggang dun lang yun, period.
Prangka siya kung makapagsabi ng disgusto sa babae, lalo na pag nagiging clingy. Wala siyang pakialam sa kung ano ang mararamdaman nung girl.
Napawi ang ngiti nung babae. "Burn naman, parang wala tayong pinagsamahan." she said flirtatiously.
"I don't recognize you." partly true yung sinabi niya, di niya talaga tinatandaan ang pangalan pati mukha nung ka-fling niya.
"But–" naputol ang kung ano mang sasabihin nung babae.
"Can't you see I'm having a date with my girlfriend?"
Eto na nga! Kapag nagiging persistent yung girl nasasama ako sa prod niya as fake girlfriend! Hay naku! Sanayan lang yan fre!!
Hihawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa table at inangat yon papunta sa lips niya. He kissed the back of it without even breaking an eye contact with me.
Sh!t naman yang mga titig oh! I felt my face heating up. Damn this man!!
Iniwas ko yung mata ko at napatingin kay girl. Nakikita ko ang pamumuo ng mga luha sa mga mata niya.
Tahimik at mabilis siyang naglakad palayo sa amin. Oh, boy! another shattered heart.
Napailing na lang ako. Napansin kong hawak pa rin ni Burn ang kamay ko.
Dahan-dahan kong binawi ang kamay ko pero mas hinigpitan pa niya iyon.
Busy lang siya sa pag-ttxt at 'di tumitingin sa akin. Whatever. Pinabayaan ko na lang na ganun ang position naming dalawa.
Maya-maya ay nag-angat siya ng tingin. "Let's go?" tumango lang ako. Inaantay ko na bitawan niya yung kamay ko pero patay-malisyang tumayo lang siya na hawak-hawak pa rin ang kamay ko.
Ano ba ang problema ng lalaking 'to at masyado siyang touchy ngayon?
Paglabas namin ng Starbucks ay pinag-intertwine niya pa ang mga daliri namin. Sanay naman akong pag naglalakad kami ay holding hands kami eh.
Pero ba't parang nakakailang? Normal naman, diba? Holding hands ang magbestfriends? Wala namang malisya diba? Boy and girl? Erm.... awkward.
─────ツ
[Ano guys ok ba???? sino po gusto magpadedic pm nyo lang po ako. At tumatanggap din po ako ng votes. hihihihi^_^ if gusto nyo lang po.
~Fooding^_^]

BINABASA MO ANG
A Casanova's Confession
Teen FictionMs. NBSB, Issa Veres, has Spencer High's infamous Casanova, Burn Elizada, for her bestfriend. Just as her bestfriend. Period. Hindi na hihigit pa doon. Or so she thought... But her last year in highschool change everything. Hanggang bestfriend nga l...