Chapter 9

82 1 0
                                    

Ang wierd ng panaginip na 'to. Parang totoong nangyari na.

Tumingin ako sa paligid. Ito yung dati naming classroom ni Burn nung nasa Junior High pa kami. Nahagip ko yung reflection ko sa glass window. I look the same as what I look like 4 years ago. Suot-suot ko yung uniform ko noon at naka-pigtail pa ako.

Napatingin ako sa blackboard. May naka-doodle doon na isang heart tapos sa loob may nakasulat na 'Burn + Issa'.

Naaalala ko na! Ito yung time na nag-away kami ni Burn kasi sinulat niya iyan. Honestly, di ko nga alam kung siya ba ang nagsulat nun. Basta, nagalit ako at kung anu-ano pinagsasasabi ko. Ayoko kasi na may ibang nagbibigay ng meaning sa friendship namin.

Ewan ba, it wasn't really a big deal basta alam naman namin yung totoo. But then, naiinis kasi ako kasi sa tuwing tinutukso nila kamiiba yung nararamdaman ko. Di ko naman akalain na yun na yung last time namakikita ko yung sweet nerd na Burn.

Bumukas yung pintuan at pumasok si Burn, yung nerd na Burn. He was shaking his head with a boyish grin plastered on his lips.

Pinaglinis nga pala siya nun kasi punishment nung nahuli siya ng natutulog sa classroom. Tapos ako nun binalikan ko lang yung book ko na naiwan sa desk ko.

Tapos galit ako nun nung nakita ko yung nakasulat sa blackboard.

Napahintosi Burn sa paglalakad. Gulat na gulat siya at sobrang pula nung mukha niya pagkakita niya sa akin.

"A-ano…k-kasi─"nauutal niyang paliwanag.

Pero di niya yun natapos kasi sinigawan ko siya nun.

"Burahin mo yan!!"sigaw ko.

A Casanova's ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon