Dalawang linggo na nung incident doon sa locker. Mukha namang wala talagang nakakita sa ginawa ko dahil dedma pa rin ang ibang mga students. Yung binigay ko na stuff toy nandoon na sa loob ng kwarto ni Burn.
So, nagstart na nga yung panliligaw ko noong Monday. At ang mokong, gumawa pa talaga ng "ligaw to-do-list" kung tawagin niya.
Burn's Ligaw list:
1) Be my chaperon.
2)Cook me lunch.
3)Call me before sleeping.
4)Movie marathon.
5)Out-of-town date.
6)Breakfast in bed.
7)Flowers—lots and lots.
8)Bake me cookies.
9)Harana
10)Pick me up after practice.
Oh di'ba!? Di siya damanding!! Hiyang-hiya ako sa kanya, ang bait niya!! Feeling prinsipe at ako ginawang slave! Grr!!
Sa loob ng tatlong araw ay wala pa akong na-accomplish— kahit isa!! Eh, di naman kasi ako sanay sa mga ganito. Ususlly ako yung nililigawan, hindi ako iyong nanliligaw. Hmp!!
At dahil nga wala pa akong nagagawa, si 'Mr. Not so demanding' ay tinawagan ako kagabi and nagged me about it. Tapos ang 'utos' pa ng mahal na prinsipe ay sunduin ko daw siya this morning dahil may gagawin kami. Late celebration daw ng BFF's day namin dahil nga di kami nakapagcelebrate sa eksaktong araw. Tutal Saturday naman at walang klase ay pinagbigyan ko na
6:30 am palang ay nasa bahay na nila ako. Naisip ko kasing magprepare ng breakfast in bed para sa kanya. Atleast naman nagiging sincere ako sa pagtupad nung mga nasa list niya.
So, ano bang hinanda ko? Toast, omelet with lots of tomatoes (favorite niya po yun), hotdogs, at hot chocolate. Syempre yung madali lang. Wala akong panahong paghandaan siya ng mala-5 star hotel na breakfast noh! Ka-arte pa naman nun!!
Dala-dala ko na yung mga hinanda ko sa isang tray at carefully umakyat sa hagdan. Sakto namang bumaba si Tita Carmen at ready to go na in her business attire.
"Morning, Tita!" bati ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin at napatingin sa dala kong tray. Mas lymapad ang ngiti niya.
"Morning, Hija! That is so sweet! Buti naman at bati na kayo." sabi niy at marahang hinaplos ang pisngi ko.
"Oh? Nasabi po niyang nagkagalit kami? "
Marahan siyang umiling. "No, pero kahit konting tampuhan nyoblang nung mga bata pa kayoay sobra talaga siya kung maapektohan. Nagiging restless siya. Kaya di na ako magtataka na nagkagalit kayo dahil sobrang down ng aura niya nitong mga nakaraang araw."
Hindi ako nakasagot. Akala ko ako lang yung naapektohan. "O sya! Mauuna na ako, Hija." bineso niya ako.
"Ingat po, Tita." ngumiti sita ulit at nagpatuloy na sa pagbaba.
Dumeretso ako sa pinakadulong kwarto sa may left. Balancing the tray in one hand, binuksan ko ang pinto. Seriously, this guy! Hindi man lamang naglo-lock. Nilapag ko ang tray sa may sidetable.

BINABASA MO ANG
A Casanova's Confession
Teen FictionMs. NBSB, Issa Veres, has Spencer High's infamous Casanova, Burn Elizada, for her bestfriend. Just as her bestfriend. Period. Hindi na hihigit pa doon. Or so she thought... But her last year in highschool change everything. Hanggang bestfriend nga l...