Chapter 11

96 4 3
                                    

Dedication:

@JoyceOmamalin ,sa walang sawa mong pagbabasa at pagvote sa storyang ito ;) salamat!!! <3

───────────ツ

Nasa CC office ako ngayon kahit wala naman akong gagawin. Well, tapos na rin naman na yung tatlong monthly articles ko pati na yung year ender article na di ko mabuksan-buksan dahil sa sheteng game na yan. Uff! Hassle!

Yung apat ko namang co-writers ay busing-busy sa paggawa ng mga articles nila.

5pm. Naglalaro ako ng Benji Banana sa S4 ko nung biglang mag-vibrate iyon. Nag-pop-up ang isang text galing kay Burn.

From: CBesprenSunog

Message: See you later! ;)

Ano naman meron later? Pero pakiramdam ko nga may something important ngayong araw, di ko lang matandaan. Sa dami ba naman ng ginagawa ko this past few weeks, nakakalimutan ko na ang ilang personal na bagay.

Last year na rin kasi to namin as highschool students. Dumadami na ang mga requirements isama pa yung pagrereview para sa college entrance exams. Kahit di pa man natatapos ang first semester ay may mangilan-ngilan ng colleges ang nag-conduct ng pre-entrance exam sa school namin.

Bumalik na lamang ako sa paglalaro. Anyway, malalaman ko rin naman kung ano yung pinagsasasabi niya later pag-uwi ko sa bahay.

Seryosong-seryoso na ako sa paglalaro nung may biglang kumatok. Pag-angat ko ng paningin ko ay nakita ko si Loki, nakakagulat nga eh. Well, siguro nasanay ako na si Burn lang ang lalaking naglalakaas-loob pumasok sa office namin.

"O, Loki! What's up?" bati ko sa kanya.

"Can I ask you a favor?" nahihiya niyang tanong. He was scratching his left ear that's now pink. Aww! So cute!! Ang cute niya mahiya.

"Sure. Ano ba yun?" nakangiti kong sabi.

"Can you accompany me to an exhibit?" tanong niya.

"Uhm…okay lang naman." sagot ko.I grab my bag and bid my friends goodbye.

Nasa loob na kami ng car niya. "First, let's go get some appropriate attire." he said before driving. Napapatingin na lang ako sa kanya.

Nagpunta kami sa isang boutique tapos hinayaan ko lang siyang mag-scroll sa mga cocktail dresses na naroon. Di ko nga alam kung anong pupuntahan naming exhibit at kailangang pormal ang susuotin namin. Ang exhibit lang naman na napuntahan ko ay yung safari exhibit kasama ko pa si Burn nun.

Kinuha niya ang color cream na dress tapos may itim na lace sa may waist. Binigay niya iyon sa akin at tinulak ako papasok ng fitting room. Di rin halatang excited siya, huh!?

Saktong paglabas ko ng fitting room nakapagpalit na rin siya. Nakasuot siya ng brown na tuxedo. Ngumiti siya nung makita ako at nagthumbs-up.

Akala ko pagkatapos ay dederetso na kami sa pupuntahan namin pero nagulat ako nung magpark siya sa tapat ng isang kilalang salon. Inakay niya ako papasok at ni-instruct yung isang bakla. Di ko alam kung ano ying sinabi niya kasi binulong niya lang yun.

A Casanova's ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon