What does it take to capture a Casanova's heart??
Pakshet!! Ba't ito pa yung napuntang article sa akin?? Wala na ba talagang maisip si otor?! este si Krystal. ( wag na idamay si otor baka di tapusin ang istoryang ito. hehe joke!!)
Ang article kasi na isusulat namin ay base sa mabubunot namin sa isang box. Tinawag namin iyong 'casanobox'. I know, lame. Otor naman eh, isip-isip din pag may time! (Pagpasensyahan na po umeepal ang otor sa chapter na ito.)
Anyway, balik sa article ko. Ano naman gagawin ko dito??
Usually kasi si Burn yung tinatanong ko for my article. But as if naman sasagutin nun nang matino ang question ngayon!! Baka kung anu- ano na namang kahalayan ang mga sasabihin niya.
Hindi rin pwede kay Loki, baka di ko kayanin ang mga sasabihin niya. Mamamatay ako sa kilig!! Gish! kung anu-ano ngang corny lines ang binibitawan ang mga binibitawan niya these past 3 weeks.
Well, naaalala niyo yung nagreunion-slash-date kami sa Mcdo? I gave him a permission to court me. Yup, mag-iisang buwan na siyang nanliligaw sa akin.
I know, I said Casanovas are not my type, but this is Loki. Ang kababata ko na never nagsinungaling sa akin. Ngayon pa kaya niya ako lolokohin?
Isa pa, ligaw pa naman eh. Di pa boyfriend! Pahirapan ko muna siya. hihihi
Isang buwan na since nung day na yun, at ever since, twice a week kami kung lumabas na dalawa. And magkaklase din pala kami ngayon.
So yung sitting arrangement namin si Burn sa right, si Loki sa left at ako yung nasa gitna. Wierd nga eh, instant bodyguard ang labas nila.
Speaking of Burn, di ko pa sinasabi sa kanya ang tungkol sa panliligaw ni Loki sa akin. Ewan ba, parang feeling ko di tama and isa pa, lately, medyo nagiging distant na siya at seryoso. Somehow, nakaka-miss din ang unggoy na yun.
Nangalumbaba ako. Hmm, ano kaya problema niya? OMG! Di kaya alam na niya ang tungkol sa panliligaw ni Loki?! Baka naman kaya siya lumalayo kasi nagseselos siya?!
'O baka naman ilusyon mo lang yan?! As if naman may paki yun sa lovelife mo, girl. Eh, busy nga siya sa mga girls niya eh!' panirang trip ni epal brain.
Ba't ba ang hilig mo sumingit pag nagmo-moment ako?
'Eh, ba't ba ang hilig mo magmoment tapos puro naman ikaw ilusyon?'
Alu!! Bakit ba ikaw pa naging utak ko? Wala na bang mas matinong magfit-in sa akin?? Otor, yung totoo?!
'Wala na, does that answer your question?'
Ikaw si otor?! Ikaw?! Tumahimik ka kung ayaw mong ipakain kita sa mga zombies!!
'Di na uso yan, Flappy Bird na ngayon!'
Ipagpapatuloy ko pa sana ang kashungahan ko with my epal brain nang may biglang may magsalita sa harap ko. .
"Ba't pang-biyernes santo iyang mukha mo?" tanong ni Burn habang nakasandal dun sa sliding door papunta sa garden.
Yung garden kasi namin punong-puno ng sunflowers kaya masarap paghugutan ng inspirasyon.
Nakadapa lang ako sa nilatag kong picnic blanket at kaharap ko iyong lappy ko. With matching chips pa ako and soda.
I was just eyeing him. For a second I thought the old Burn was back. Naka-white shirt siya at khaki shorts tapos suot niya pa yung black eyeglasses niya.
But then naalala ko yung sinabi niya. Na kahit kailan di na babalik ang dating Burn.
"Another mind-boggling question parasa article." sagot ko. Humiga ako at tumingin sa langit.
Lumapit siya at humiga sa tabi ko. Ganun lang kami for a while, shoulder to shoulder at tahimik lang na nakatingin sa asul na kalangitan.
I was the one who broke the ice." Bakit di mo suot contacts mo?"
"Nagpagawa pa ako nang bago. Bakit? Di na ba bagay sa akin ang mag-eyeglasses?" nilingon ko siya. Nakapikit na yung mga mata niya
"It always suits you." halos pabulong kong sagot.
He frowned. Alan niyang nagre-reminisce na naman ako ng past.
"Issang, is there something you're not telling me but you want to?" malungkot na sabi niya.
Natigilan ako. Could it be? May alam siya but he was just keeping it.
"No." bulong ko. I felt like something was stuck in my throat making it hard to speak even a few words. Para bang every word weigh a ton.
Bumuntong-hininga siya at ngumiti ng mapakla. "I see." there was a hint of sadness in his voice. Why??
Tumagilid ako paharap sa kanya.
"I miss you, Sunog. Lately you've been distant." mahina kong saad.
Tumagilid din siya paharap sa akin, so magkaharap na kami habang nakahiga.
"Miss you too, pumpkin. Sorry kung lumayoako." he bump his head to mine.
"Wag mo na lang uulitin, please? Nakakalungkot yung deadmahin mo ko for a week." pakiusap ko. Inaantok na ako, kaya pinikit ko na yung mga mata ko.
"I promise."he said then he nuzzled my nose.
Yun lang yung sinabi niya pero pakiramdam ko secured na ako. Yung para kang bumalik sa pagkabata tapos takot na takot ka 'cause you're lost then suddenly may humawak sa kamay mo at nagsmile sayo.
Ganun ang pakiramdam. Right then I know I don't feel lost at all kahit na puro strangers ang nasa paligid ko dahil nandoon yung isang tao, na alam kong po-protektahan ako, at hawak-hawak yung kamay ko.
Sa ganoong posisyon, na magkaharap kami ni Burn, nakatulog na ako.
──────────ツ
[Guys sorry kung binali ko ang prinsipyo ni Issa pagdating sa love. Well, its part of the plan naman kasi, kaya bear with it na muna. thanks. XoXo
~Fooding^_^]

BINABASA MO ANG
A Casanova's Confession
Teen FictionMs. NBSB, Issa Veres, has Spencer High's infamous Casanova, Burn Elizada, for her bestfriend. Just as her bestfriend. Period. Hindi na hihigit pa doon. Or so she thought... But her last year in highschool change everything. Hanggang bestfriend nga l...