"Hey, Issa." untag sa akin ni Loki. Medyo nakakunot ang noo niya. He looked worried.
"You, okay?" he asked trying to scan my face like he was searching for a bruise.
"Uh. Sorry, medyo marami lang iniisip." paliwanag ko.
He sighed. "Sorry, mukhang na-disturb ko pa yung sched mo."
"No. No. I needed a break too. Ang dami na kasing requirements pinapatapos. Pakiramdam ko tuloy any minute magco-colapse na ako."
"Don't worry sasaluhin kita." nangingiti niyang sabi.
Naramdaman kong nag-init ang magkabilang pisngi ko. "J-joke lang yun, no kaba!!"
Tumawa siya. "Metaphor lang din yun. What I wanted to say is, kung ano man yang problema mo, you can share it with me. I'll gladly help."
"Ahh, thanks." nginitian ko lang siya.
If you're wondering kung bakit magkasama kami, may date po kasi kami. Nasa isang sikat na Japanese restaurant kami kumain kasi daw namiss ni Loki yung Japanese foods. Ang ganda nga dito eh, para ka talagang nasa Japan.
Maya-maya ay dumating din yung order naming sushi at ramen. Uww!! mukhang masarap!! Itadakimasu!!(Thanks for the food.)
"So, paano mo pala nahiligan ang Japanese food?" tanong ko habang nilalantakan yung ramen.
Sumubo muna siya ng sushi bago sumagot. "Dahil sa pagiging otaku ko, ni-venture ko nalahat ng tungkol sa Japan. From arts to food. Nagkataon, last year, nagkaroon ng otaku convention sa New York kaya pumunta ako. Lahat ng naka-serve na pagkain doon ay mga authentic Japanese cuisines. Instantly, I fell in-love with it."
Para po sa mga na-nosebleed, ang otaku po ay ang tawag sa mga taong addict sa anime o Japanese cartoons. Trivia trololol!!
"Hmm, I see. Active ka pa rin ba sa mga cosplay conventions?" usisa ko.
"Not really, since nung nag-graduate ako ng junior high busy na parati ang sched ko."

BINABASA MO ANG
A Casanova's Confession
Genç KurguMs. NBSB, Issa Veres, has Spencer High's infamous Casanova, Burn Elizada, for her bestfriend. Just as her bestfriend. Period. Hindi na hihigit pa doon. Or so she thought... But her last year in highschool change everything. Hanggang bestfriend nga l...