"OK, girls. Position na kayo!" utos ni Coach Bam, faci namin sa cheering squad.
Ngayon ang araw ng football match ng Jaguars at ng Luther High Badgers. Pumosisyon na kami. Katabi ko si Briella sa mismong front line.
"Oh! Brie, I thought photographer ka ngayon?" pabulong kong tanong sa kanya.
Umurong siya ng kaunti at saka bumulong. "Napakiusapan ko si Mrs. Rosa na after nalang ng game. Kahit 5 shots okay na daw."
"Briella! Umayos ka nga. Wala ka na sa linya!" sigaw ni Coach Bam sa likuran namin.
Briella flinched at nanginginig na bumalik sa linya niya. Kilala kasing terror si coach, konting mali mo lang may chance na mapagdiskitahan kang tanggalin sa squad.
Ilang sandali pa ay nagsalita na ang anchor. Naghiyawan ang mga tao lalo na nung lumabas ang Jaguars na ofcourse pinangungunahan ng captain na si Burn. He walk like an Alpha, he proudly held our banner and a sexy smile plastered on his lips.
Dahil malapit lang ang puwesto namin sa bleachers, nakakabingi ang mga sigawan ng mga tao. Lalo pa at puno ng mga fans ni Burn ang nasa likuran namin. Parang mga uwak kung makatili! Mangapaos sana kayo!!! Hmph!! Kung makatili parang wala nang bukas!!
Sa pagsisimula ng game nasa Jaguars agad ang bola. Mabilis kasi talaga si Burn, its as if he is just dancing with his enemies, he was flawless. And just like that, ang unang puntos ay kanila na.
Habang ang mga Jaguars ay tagaktak na ang pawis sa kakatakbo, kami naman ay sunog na sunog na at kahit nauubusan na ng energy ay sige pa rin sa pag-cheer.
Natapos na ang first-half ng game at lamang ng dalawang puntos ang Jaguars. Nice! Probably dahil itlog pa ang kalaban.
Nagbreak muna sila for a few minutes. Umupo si Burn sa bench at tumingin sa direksyon namin. Hindi ko alam kung sa akin siya nakatingin o sa isa sa mga cheerleaders.
Nagthumbs-up ako sa kanya. Tumango siya at kumindat. May sinenyas siya pero di ko naintindihan.
Pero kaya pala di ko maintindihan kasi di pala para sa akin yung message. Paano ko nalaman? Kasi parang may kiniliting biik sa likod ko.
Nung lumingon ako ay si Missy pala iyon, ang leader namin na kung kiligin ay parang kiniliting biik!! Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Ang sakit lang sa mata eh!! Napailing na lang ako. Akala ko pa naman ako ang napansin. Yuck, Issa!! Assumera!!
Bigla parang iritado na ang feeling ko. May balak bang ikama ni Burn ang buong cheering squad!? Eh, halos karamihan sa mga kasamahan ko na-ikama na niya eh!!
'When you say buong cheering squad, kasama ba ikaw dun?? ewww!' bulong ng epal kong brain.
Takte! Tumahimik ka kung ayaw mong iuntog sa pader!!
'Hala! Baliw ka! Edi, sasaktan mo lang sarili mo!' sagot ni epal brain.
Gosh! Baliw nga ako, kausapin ba naman ang sarili? Sunga!!
Tapos na yung break at nagsimula na ulit yung game. As usual nasa Jaguars ulit yung bola.
Ipinasa nung isa kay Burn yung bola tapos yung lalaking nakabantay sa kanya ay bigla siyang siniko. Di aksidente. Halata naman kasi na sadya eh.
Natumba si Burn at saka lang sumenyas ng warning dun sa lalaki.

BINABASA MO ANG
A Casanova's Confession
Novela JuvenilMs. NBSB, Issa Veres, has Spencer High's infamous Casanova, Burn Elizada, for her bestfriend. Just as her bestfriend. Period. Hindi na hihigit pa doon. Or so she thought... But her last year in highschool change everything. Hanggang bestfriend nga l...