Chapter 12

86 2 2
                                    

Dedications:

@Fermaine, sa isa sa magagaling na author sa wattpad. salamatx ;)

──────────ツ

Isang buong linggo na akong di kinakausap ni Burn. He was avoiding me in every means possible. Andyan nang parating tulog sa class, di natutulog sa bahay nila, di ma-contact ang cellphone niya at di nagrereply sa mga messages ko.

Alam kong kasalanan ko naman, inaamin ko. Pero di ba sobrang cruel naman niya na pahirapan ako ng ganito?? Readers! Kampihan niyo naman ako!! Huhu.

Ano pa bang kailangan kong gawin?? Hindi naman mauubos ang pera ko sa kakabili ng load pero ang pasensya ko konting-konti na lang!!

Kung di siya makuha sa mabuting usapan, fudge!! gagawin ko kahit anong desperadong paraan!! Masisiraan ako ng bait nito eh!! Never, as in never niya akong natiis ng isang linggo, ngayon lang!

But if I have to take drastic measures just so he'd speak to me again…what could it be??

Nakaupo ako sa CC office at nakanganga lang sa table ko. As in napurol na ang utak ko kakaisip ng paraan para kausapin niya ako. Sakto namang pumasok si Violet. She waved and I just smiled at her weakly.

She stopped in front of me. "Anyare sayo?" tanong niya.

"Nag-away kami ni Burn. One week na niya akong di kinakausap." Matamlay kong sagot.

She crossed her arms. "Kaya pala…" she blurted out while nodding.

Napakunot-noo ako. "Kaya pala ano?" nagtataka kong tanong .

"Nadaanan ko kasi siya sa field kanina. He looked troubled… or angry, I guess. Kawawa nga lahat ng bola doon napagdiskitahan niya. Sinuntok pa nga niya ang poste ng ilaw ng sobrang lakas kaya ayun bumisita siya sa clinic." pagpapaliwanag niya habang naiiling.

Napakunok naman ako. Oh, gosh! Ganun talaga katindi ang galit niya?? Uhm… I think I'm having second thought of talking to him.

Naaawa ako at natatakot at the same time. guilting-guilty ako sa naging kasalanan ko kahit di ko naman sinadya yun. Naaawa ako na nagkakaganyan si Burn dahil dun, sayang kasi yung effort niya eh tapos tinarayan ko pa siya. And then natatakot ako, what if di na kami magkabati?? Kaya ko ba mawala ang bestfriend ko??

I thought for a while, if nasa clinic siya, mag-isa lang siya dun. Chance ko na yun na makausap siya privately since iniiwasan naman niya ako pag lumalapit ako.

I decided to go with it and bet on the thin chance that he'll talk to me.

Lumabas na ako sa office at tinungo ang clinic na adjacent lang dun, which is nasa dulo ng hallway. Wala ng tao sa hallway dahil tapos na rin ang last period. Okay na yun at least di masyadong public ang gagawin ko mamaya ma-issue pa na may ginawa kaming kababalaghan doon.

A Casanova's ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon