Chapter 13

131 4 2
                                    

@hanessah: thanks sa pagsupport sa story ng trying hard na maging writer mong anak. hahaha :*

───────────────ツ

2nd week ng battle─ este─ pangungulit ko kay Burn!! Kala nyo dahil napa-iyak ako sa last chapter ay mag-give up na ako?? Never!!

Burn is too special for me to give up on. And I'll do whatever it takes to get him back!! At yun ang rason kung bakit na sa labas ako ngayon ng locker room ng football team. I know it's reckless, dangerous, and stupid. I'm going to trespass into the football team's locker room on a Sunday morning without permission and a valid reason. If they caught me, there's a possibility I wouldn't have my name included in the top 5 list.

Ano nga ba ang gagawin ko?? Well, ilalagay ko lang naman tong malaking teddy bear sa loob ng locker niya. Isang puting teddy bear na may dalang red heart na may nakalagay na 'SORRY!'.

Di ko nga alam kung bakit ko to ginagawa eh suggestion to ni epal brain!! Last time na sinunod ko yung suggestion niya umiyak lang ako, di pa nga ako pinatawad eh. Pero okay na to kesa wala akong gawin.  Hindi naman pwedeng antayin ko na siya pa ang lumapit sa akin. Eh, kung di na ako kausapin nun, diba?

Para nang jelly sa lambot ang mga tuhod ko, mamasa-masa na rin ang mga kamay ko. Paulit-ulit akong luminga sa kahabaan ng empty hallway. Alam ko namang walang estudyanteng pumapasok dito pag Sunday unless na lang matripan nila. Pero para lang makasiguradong malinis, diba? Ay wow, parang gagawa lang naman ng krimen.

Di naman ni-lo-lock yung mga locker rooms kaya madali lang ang gagawin ko. Habang kipkip sa kaliwang braso ang teddy bear ay pinihit ko gamit ang kanang kamay ang seradura. Sumilip muna ako at nang makasuguradong walang tao ay pumasok na ako at maingat na sinara ang pintuan.

Yung arrangement nung locker nila ay gaya din nung sa cheering squad. Nasa likod na part ang showers, may benches at mirrors sa magkabilang gilid, at yung lockers nasa gitna. Wala nga lang silang dressing room gaya nang amin, sabagay all boys naman sila eh.

Dumeretso ako sa ikalawang row  at huminto sa ikaapat na locker na may plate na nakalagay 'B.F. Elizada'. Siguro naman ay pareho pa rin ang code ng locker niya kahit na magka-galit kami. Same lang kasi kami ng locker code, yung bestfriend's day namin. September 18.

Kinalikot ko yung lock hanggang sa may marinig akong click. Napapangiti ako. Akala ko dahil magkagalit kami ay kinalimutan niya na yung mga bagay na nag-uugnay sa amin. Hindi pa pala. Hindi pa huli ang lahat.

Binuksan ko ang locker niya at inilagay ang teddy bear doon. Buti na lang talaga di naglalagay ng kung anu-anong abubot ang lalaking yun. Extra clothes, bag, towel, at toiletries lang ang laman ng locker niya. Isasara ko na dapat nang mahagip ng paningin ko ang picture na nakatape doon.

Picture namin nung graduation sa grade school. Naka-glasses pa siya nun. Nakatingin siya sa camera habang naka-peace sign habang ako nakahalik sa pisngi niya. Napaka-memorable ng araw na iyon, kababati lang din kasi namin noon mula sa first big fight namin.

Di ko namalayang nag-reminisce na pala ako ng mga memories namin together. Yung masasaya, malulungkot, nakakatawa, at nakakahiyang nangyari sa amin. Namamasa na ang mga mata ko. Ang sarap lang ibalik sa dati ang lahat.

Pero kung iisipin ko, he stood by his promise na di siya mawawala sa akin. It was me, ako yung lumalayo na sa kanya, ako yung nagbago. Sigh. Hinimas ko yung picture. Totoo nga talaga na malalaman mo lang kung gaano kahalaga sayo ang isang tao pag nawala na siya sa tabi mo.

I guess naging insensitive ako. Conceited. I thought hinding-hindi mawawala si Burn sa akin. But now I realize I could loose him anytime.

Nasa gitna ako ng pag-eemote ko nung marinig ko ang pagbukas-sara ng pintuan. Sh!t! Dapat ni-lock ko na lang talaga yung pinto eh. I'm a dead meat kung yung coach pala ang pumasok!! Tiyak diretso sa dean ang bagsak ko. Galit pa naman yung DEANmonya na yun sa magaganda. lels.

A Casanova's ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon