"Issa, bilisan mo jan! Wala na tayong maabutang party eh!" sunod-sunod na malalakas na katok ang ginawa niya.
Mabilis akong nag-apply ng lipgloss habang sinusuot ang wedge sandals ko. I grabbed my purse and yung paper bag na pinaglagyan ko ng painting na ginawa ko for Tita Carmen, Burn's mom.
Painting iyon ng favorite niyang flowers, violets. Gustong-gusto niya kasi ang mga paintings na gawa ko. Tama po kayo ng basa, isa po akong lihim na painter, it's my stress reliever. Hehe, secret lang natin yun huh? Hindi pa kasi ako handang itabi kay Mona Lisa ang mga paintings ko. Lels! assuming much!!
Patakbong binuksan ko yung pinto at nabunggo sa mala bakal na katawan ni Burn.
Napahimas ako sa forehead ko na, ewan, nabukulan na ata.
He eyed me from head to toe. "Yan lang ang ikinatagal mo sa loob?" naku nakakainis talaga ang lalaking 'to! Grabe makainsulto!!
Eh, siya nga!! Siya nga…… ang gwapo-gwapo sa suot niya! Hay, ok fine! Perfect na siya! Walang panget sa kanya! 'Di ata uso sa vocabulary niya ang salitang panget.
He wore an inner white shirt topped with a sky blue coat and a black pants. Simple, but he makes it look gorgeous.
While ako suot ko lang naman ang isang yellow cocktail dress na may brown laces sa rims, brown belt na kumakapit sa curves ko, and a matching 3 inch brown wedge. Simple din. Simple lang. Alam nyo na yun! Simplicity is beauty na lang!!
Hay! Mahirap talagang itabi sa lalaking ito! Kahit siguro magsuot ako ng diamond-studded gown ay matatabunan din ng kagwapuhan niya ang itsura ko.
"Salamat sa insulto!" sarkastiko kong sagot. "Tara na nga!" naiirita kong sabi sabay hila sa kanya.
Nagpaalam na kami kayna mama kahit nasa tabi lang naman ng bahay namin ang bahay nila.
Yun nga ang nakakainis sa lalaking 'to! Pinagmamadali ako eh magkapit-bahay lang naman kami!
Naglalakad na kami palabas ng gate nang nagsalita siya. "You look pretty."
I just rolled my eyes. "Yah. Yah. Tapos dudugtungan mo na naman ng 'joke lang'!"
"No, seriously, you look pretty." tumingin ako sa kanya. Seryoso yung expression niya.
"Thanks." mahina kong sagot. An'ba yan! ka boring naman ng seriousness niya. 'Di ako sanay, mas gusto ko pang nang-aasar siya.
"You too, you look pretty." nangingiti kong sabi. Tinawanan ko siya kasi nakasimangot na yung mukha niya.
Kinurot niya ako sa both cheeks ko. Ay potek! ang sakit makakurot. Napikon ata.
Himas-himas ko pa rin yung pisngi ko nung pumasok kami sa loob ng bahay nila. Lahat ng babaeng kaedad namin ay napatingin sa direksyon namin.
Alam ko, maganda ako ngayong gabi at talbog ko kayong lahat! Mwahahaha! Chos! Bayaan na. Minsan lang magmaldita eh.
I'm sure wala sa akin ang atensyon nila kundi sa katabi ko. Mapagselos nga. Mas lumapit ako kay Burn at kumapit sa braso niya. Yung malanding kapit huh.
Patay-malisya lang si Burn, kung napapansin man niya yung kinikilos ko ay di siya nagreact. Pero yung mga babaeng nadadaanan namin ay matalim na ang tingin sa akin, kulang na lang ay pagtulungan akong bugbugin.

BINABASA MO ANG
A Casanova's Confession
Teen FictionMs. NBSB, Issa Veres, has Spencer High's infamous Casanova, Burn Elizada, for her bestfriend. Just as her bestfriend. Period. Hindi na hihigit pa doon. Or so she thought... But her last year in highschool change everything. Hanggang bestfriend nga l...