"Brie, una na ako sa locker room!" paalam ko kay Brie na busy pa rin sa pagkuha ng mga pictures. Nag-thumbs-up lang siya sa akin.
Luminga-linga ako para hanapin si Burn pero siguro umalis na yun kasama si Missy. I shrugged it off, bahala na siya, sasakay na lang ako ng taxi pauwi.
Yung locker room ng cheering squad ay nasa ilalim ng right wing ng bleachers. Habang yung sa left naman ay para sa mga players.
Nagmamadali na akong nagtungo sa locker room. I badly need to go home and fix myself. May date pa kami ni Loki later. hehehe. Assuming much! reunion lang naman… na kaming dalawa lang. Sabi ko nga isama namin si Burn pero sabi niya gusto daw niyang masolo muna ako. Trololol! Kilig naman ako much!!! Matagal na kasing may crush ako kay Loki, pero konti lang!!
Nasa labas na ako ng locker room at mabilis na pinihit pabukas yung door. At taena!! napahinto ako at na-estatwa sa mismong pintuan.
Ang awkward!! 'Di ko alam kung ano yung gagawin ko. Napatitig na rin sa akin ang dalawang taong naging rason kung bakit di na virgin ang eyes ko!! huhu. Sa mismong gitna ng bench ay sina Burn at Missy.
Half naked si Burn at naka-jersey shorts lang. Habang si Missy naman ay nakapatong sa kanya at nakahawak si Burn sa hita niya.
Hindi ako na-awkward sa nakita ko, kasi sanay na ako kay Burn na nakikita sa isang uncomfortable position. Na-awkward ako sa itsura ni Missy, para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa sobrang pale niya. Akala mo para siyang mistress na nahuli sa akto ng legal wife.
'At ikaw daw po yung legal wife? Monica lang ang peg? hala dali sabunutan mo dun!!' pang-aasar ni epal brain.
Wengya kang utak ka! Am bad mo!!
Tatayo na sana si Missy pero pinigilan siya ni Burn. "Don't mind her. She's okay with it." Tumingin siya sa akin at nagwink.
From pale white naging tomato red ang kulay ng mukha ni Missy. Hinawakan siya ni Burn sa waist at kinabug palapit dito.
Manwhore!! Nakatingin lang si Missy sa akin kahit na kitang-kita na naaapektuhan na siya ng ginagawa ni Burn. Ugh! Nginitian ko siya ng pagkaplastik-plastik at nag-hush sign ako. Mukhang nagets niya rin na hindi ako magsasalita kaya… alam niyo na!!!
Sinara ko ang pinto saka ako nagtuloy-tuloy sa dressing room ng girls sa likod ng lockers namin.
Pagkapasok ko ay nakatayo lang ako at nakasandal sa loob. Naririnig ko pa ang mga ungol at sound effects doon sa labas. Heavens!! It's my bestfriend she was doing it with. Naiirita ako. It's not like it's something new, I'm used to it but that doesn't mean I'm not affected. Ui wag kayo!! di ako nagseselos, di ko lang talaga maatim ang mga ginagawa nila.
But duh!! He's a casanova. It's a normal thing for him. Unlike sa katulad kong hopeless romantic na hinihintay ang kanyang soulmate.
Ewan nga kung paano ko natagalan yang si Burn. Kahit na sobrang iba kami ay bestfriend ko pa rin siya.
Hindi naman kasi siya ganyan dati. He was just a sweet nerd, and then one day, he just show up and he's every inch a casanova.
I was sadden by his transformation, akala ko nawala na rin yung bestfriend ko buti na lang style niya lang ang nag-iba at di yung personality niya. But that's life, people change. I sighed and cleared my thoughts.
Tama na nga ang pagse-senti, Issa!! Binuksan ko yung dala kong backpack at kinuha ang white shirt at maong pants na dinala ko.
Mabilis kong hinubad ang cheering outfit ko at sinuot ang damit na inilabas ko.
Pagkabihis ko ay isinilid ko naman yung cheering outfit ko. Ready na akong umalis pero ayaw ko namang makita kung anong kahalayan man ang ginagawa pa nila ngayon. Pinakinggan kong mabuti ang ingay sa labas.
Napakunot-noo ako. It's strangely silent. Ano na kaya ang nangyayari sa kanila ngayon?
Idinikit ko yung tenga ko dun sa door pero wala talagang kahit na anong ingay.
Pumihit pabukas ang pinto kaya muntik na akong matumba kundi lang ako nasalo nung taong nagbukas nun. Si Burn. Sino pa nga ba ang kaisa-isang lalaki na nakapasok sa locker ng mga cheerleaders kung di siya lang!!
Napasandal ako sa kanyang broad chest pero tinulak ko din siya agad.
"Ano ba!? Diba pwedeng kumatok ka na lang!? Eh paano kung di pa ako tapos magbihis!?"
He raised an eyebrow at me. "If you haven't noticed 45 minutes ka nang nasa loob."
Napatahimik ako. Ganun na pala ako katagal sa loob??
He leaned on the door. "Tell me, you're fantasizing me, don't you?" he said with a smirk.
"Kapal mo rin talaga! Perv!!" sigaw ko sa kanya habang naka-crossarms pa. Tumawa lang siya ng malakas.
"Baka ikaw? Gusto mo lang akong bosohan." balik ko sa kanya.
Nilapit niya yung mukha niya sa akin. "Please, nakita ko na ang katawang yan dati sabay pa nga tayo naliligo eh. Kahit bayaran pa ako di ko gugustuhing bosohan ka." he smirked evilly.
Grr!! Kainis talaga!! Ang yabang!!!
"That was when we were seven!! Matanda na ako ngayon noh!" defensive kong sabi.
Nakita kong bumaba ang tingin niya sa may bandang dibdib ko. Instinct na tinakpan ko yun ng bag ko. Ngumisi naman ang loko!
"Oh? Ba't parang pareho pa rin!? Flat."
Naningkit yung mga mata ko. Tumawa siya at tumakbo palabas.
"Bernard Franco Elizada!! Lagot ka sa akin kapag naabutan kita!!" sigaw ko habang hinahabol siya.
Ending?? Naghabulan lang kami sa field at di ko man lang siya nahuli kahit minsan.
_______________ツ
[ Sorry guys!! I know ang sabi ko dadalasan ko ang UD pero naging busy kasi eh. Di bale babawi na lang ako sa mga susunod pang UDs!! thanks a lot sa pagbabasa!! :) XoXo
~Fooding^_^]
BINABASA MO ANG
A Casanova's Confession
Novela JuvenilMs. NBSB, Issa Veres, has Spencer High's infamous Casanova, Burn Elizada, for her bestfriend. Just as her bestfriend. Period. Hindi na hihigit pa doon. Or so she thought... But her last year in highschool change everything. Hanggang bestfriend nga l...