Kapapasok ko pa lang sa loob ng room na okupado ng CC team as office nang sunggaban agad ako ni Krystal. Editor-in-chief/nagger ng grupo namin.
"Issa!" niyakap nya ako ng mahigpit.
"Krystal, may tinatawag tayong suffocation. Ever heard of that?" hawak-hawak ko siya sa braso at pilit na niluluwagan ang pagkakayakap nya sa akin. Sobra kasi makayakap di na ko makahinga! Kala mo naman parang ilang taon di nagkita, eh last week lang naman since nung huli kaming magkita.
"Hehe, sorry!" napakamot na lang siya ng ulo.
Tumuloy-tuloy ako sa desk ko. Lima lang kaming members ng CC kaya double time kami magtrabaho para lang may mailabas na issue every month. Ka-haggard sobra! Pero masaya din eh. Kung nagtataka kayo bakit nage-exist ang ganitong magazine sa loob ng isang highschool institution, well, kinokonsinte lang naman po ng admin. Sa Spencer high kasi mas malaki ang say ng students sa mga activities na nangyayari sa school, yung admin kung baga guidance lang namin. And for me, that's what makes Spencer high on the top of the most sought after schools. Kasi they don'y just teach us basics they let us explore and be independent thinkers.
Anyway kumuha si Krystal ng upuan at umupo sa harap ng desk ko.
"The readers want a new feature about Burn." she stated.
In-open ko ang laptop ko before siya hinarap. "Edi, i-feature natin ang laro ng Jaguars." I said as a matter of fact. Ang tinutukoy ko ay ang football team ng Spencer.
Inasiman niya lang ako ng mukha. "Girl! you know they want something more personal...like his lovelife."
Naiiling na lamang akong nagtype ng bagong article na isu-submit ko.
"Told you, wala pa siyang dine-date ngayon. Nagsasawa na siguro yun!"
Humalukipkip siya. "Lumalayo na siya sa limelight? Sayang, if ever mababawasan na tayo ng isang Casanova. Siya pa naman ang readers' favorite."
Kung ako ang tatanungin, mas pabor sa akin. Atleast 'di na ako pagtutulungan ng mga fans niya kapag magkasama kami. Kasi kulang na lang katayin ako ng mga yon, paminsan-minsan din kasi nakakatanggap ako ng mga threats. Pero empty threats lang naman and I know better than to be affected by it.
Nakakamiss nga yung panahon na 'di pa siya nagigung isang casanova. Yes, nakarecord po yun sa history. Noon, wala pang mga lintang kumakapit sa kanya at mga asong sunod ng sunod.( A.K.A fans po ni Burn.)
Di ko nga alam kung anong nangyari at nagkaganyan siya.
"Issa, you still with me?" taas kilay na tanong ni Krystal.
"Sorry, medyona-drown ako sa article ko."
"As I was saying–" naputol ang sasabihin niya nang padabog na bumukas ang pintuan.
Iniluwa doon ang isang living brunette barbie doll na nasobrahan sa multivitamins.
"Hello world!" proud na bati ni Briella.
Tumakbo siya papunta sa amin at pinagpapapak kami ng kiss sa mukha.
"Uww May Gaawwdd! Germs!" sigaw ni Krystal na nagpunas pa ng mukha.
BINABASA MO ANG
A Casanova's Confession
Teen FictionMs. NBSB, Issa Veres, has Spencer High's infamous Casanova, Burn Elizada, for her bestfriend. Just as her bestfriend. Period. Hindi na hihigit pa doon. Or so she thought... But her last year in highschool change everything. Hanggang bestfriend nga l...