Chapter 1"HINDI ka na ba mapipigilan sa balak mong iyan, Liz?" seryosong tanong kay Liz ng kanyang ama.
Nagpaalam kasi siya sa magulang at kapatid na makikipagsapalaran sa Maynila. Kung tutuusin ay maayos naman ang kanilang pamumuhay. Dalawa lang silang magkapatid at siya ang bunso. Sa edad na dalawampu't isa ay isa na siyang ganap na guro.
Noong nakaraang buwan lang siya nakapasa sa teacher's board. Pero bago pa man lumabas ang resulta ay tinawagan na siya ng isang private high school sa Maynila para sa kanyang interview na naipasa niya at sa sunod na lingo nga ay magsisimula na siya.
Matagal na rin siyang nakapagpaalam sa mga ito pero hindi sang-ayon ang magulang at kapatid, dangan lang ay makulit siya.
"'Pa, nais ko lang naman na maranasang mamuhay nang mag-isa. Nais kong mapatunayan sa inyo at sa sarili ko na kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa," aniya.
"Yeah. Ibig sabihin ay hindi mo na kami kailangan gano'n ba?" may hinampong sabad ng kanyang ina.
"'Ma, that is not what I mean," maagap na sagot niya. "'Ma bali-baliktarin man ang mundo ay kailangan ko pa rin ang gabay ninyo. Ang nais ko lang ay malaman ko kung gaano kahirap ang buhay. Gusto kong maranasang mamuhay nang mag-isa. Nais kong patunayan sa sarili ko na kaya kong buhayin ang sarili ko sa sariling sikap. 'Ma, 'Pa, hindi naman po habangbuhay ay nakapisan na lang ako sa inyo. Gusto ko rin pong maranasang gumastos ng pera na pinaghirapan ko," mapagkumbabang aniya sa mga magulang.
"Naiintindihan ko anak. Basta mag-ingat ka palagi roon at kung kailangan mo ng tulong namin magsabi ka lang," bilin ng kanyang mama.
"Tatandaan ko, 'Ma. At salamat po sa pagpayag ninyo," aniya.
"Anak, tandaan mo, nandito lang kami palagi para sa iyo. Pagdating mo sa Maynila ay tumawag ka kaagad. At isa pa anak, dalasan mo ang tawag sa amin para hindi kami mag-alala," aniya ng kanyang ama.
"Ready ka na ba, bunso?" Sabad naman ng bagong dating na si Ellan, ang kuya ni Liz.
"Yes, kuya," sagot niya dito.
"Let's go. Baka gabihin ka sa daan. Ayaw mo naman kasi magpahatid sa Maynila," anito.
"Kuya, naman parang ang layo raw ng Cavite sa Maynila. Eh, wala pang isang oras iyan kapag hindi traffic." Natatawang saad niya sa kapatid na ikinalukot ng gwapo nitong mukha.
Naiiling na nagpaalam na lang siya sa kanyang magulang. Inihatid siya ng kanyang kuya Ellan sa bus stop.
Makalipas ang kalahating oras ay nakasakay na siya ng bus patungo sa Lawton. Doon siya bababa at sasakay uli ng jeep patungo sa Quiapo. Mula naman sa Quiapo ay sasakay uli siya ng isa pang jeep papuntang Sta. Mesa kung saan siya nakakita ng matutuluyan, malapit din ito sa eskwelahang pagtuturuan niya. Alas tres pa lang nang hapon at napansin niyang walang gaanong sasakyan silang nakakasalubong.
Minabuti niyang umidlip muna habang nasa beyahe. Pero hindi pa niya tuluyang naisara ang kanyang mata ay biglang nagpreno ang driver ng bus.
"Manong dahan-dahan naman po," daing ng isang pasahero. Ang iba naman ay inis na ungol lang ang pinakawalan.
"Pasensiya na kayo. May bigla kasing humarang sa ating sasakyan," apologic na sagot ng driver.
Nagtaka naman siya sa sinabi nito, dahil nasa kahabaan sila ng express way at walang sinuman ang magtatangkang maglakad o humarang sa mga dumadaang sasakyan.
Bigla siyang kinabahan nang makitang hindi mapakali ang konduktor na malapit sa kanya.
"Kuya, ano po ang nangyayari?" tanong niya.

BINABASA MO ANG
SAVE ME, HEAL ME, LOVE ME ; BY: GEMVILLA
Romance"Save me. Heal me. Love me."---Eliza Rhayne Daez. "I wanna save you from your miseries. I wanna heal your wounded being. I wanna say I truly love you." --Ivan Bitangkol