chapter 2

218 17 0
                                    

Chapter 2

MATAPOS ang ilang araw ay nagising din si Liz. Pero kapag si Ivan ang nakabantay rito ay tulog ang dalaga, kaya malaya niyang napagmamasdan ang mukha nito.

" 'tol tunaw na kapatid ko!" buska ni Ellan sa kaniya. Hindi niya namalayang nakapasok na pala ito.

Isang linggo na buhat nang makita nila si Liz. Pero hindi pa nila ito nakakusap ayon na rin kay Ellan. Natataon kasing gising ang dalaga kapag ito ang nakatukang magbantay sa kapatid. Hindi pa niya nataunang gising ang dalaga.

"Tss!" sagot na lang niya para itago ang pagkapahiya. Araw-araw siyang may dalang bulaklak dito pero ngayong araw ay nakaligtaan niyang magdala.

Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman tuwing pinagmamasdan ang dalaga. Naroroon ang kaba na hindi niya mawari.

" 'tol labas muna ako sandali tutal nandito ka naman," saad ni Ivan sa kaibigan.

"Sige lang 'tol," sagot nito.

Agad siyang nagtungo sa tindahan ng bulaklak sa harap ng hospital. Nakasabay niya pagpasok sina Lewis at Shefee, ang boss nila ni Ellan na may hawak sa kaso ni Liz. Malapit na sila sa silid ni Liz nang nakasalubong nila si Ellan.

"Pare sino kasama ng kapatid mo?" nag-aalalang tanong niya sa kaibigan.

"Nandoon ang nurse pare. Saglit lang ako naiihi kasi ako," anito.

"May cr naman doon sa loob ah," takang aniya dito. Tumahimik naman ito, kaya ipinagwalang bahala na lang niya iyon.

"Sabay na tayo. Magsi-cr na rin ako," sabad ni Lewis.

"Siya mauna na ako para may kasama si Liz," wika ni Shefee.

"Sasama na rin ako sa kanila, ma'am," aniya ni Ivan.

"Dalian ni'yo lang. Kailangan pa nating makausap si Liz. Kung kaya na niya," saad ni Shefee.

Tumango silang tatlo. Dali-dali silang nag-cr at bumalik agad sa silid ni Liz.

"Ma'am Shefee, ano ang nangyari, ba't siya umiiyak?" narinig niyang tanong ni Ellan. Nauna kasing pumasok ang mga ito, kaya dali-dali siyang pumasok.

"Humingi siya ng papel at pansulat. Tapos nag-umpisa siyang sumulat. Nang kukunin ko ayaw naman niyang ibigay. Kaya hinayaan ko na. Hayaan na muna natin siya," sagot ni Shefee rito.

Napatanga siya ng makitang gising na ang dalaga. Hindi niya maiwasang magnakaw ng tingin dito ng madalas.

"Ehem! Mukhang may tinamaan ni kupido rito ah! Baka matunaw 'yan, hindi naman yan ice cream," pasaring ni Shefee kay Ivan. Kaya napakamot na lang siya ng batok at ramdam niya ang pamumula ng kanyang pisngi.

"Ikaw talaga partner dami mong nakikita. Mamaya tuluyang matorpe 'yan," tudyo naman ni Lewis sa babae.

"Nako Ma'am , Sir dadaan muna sa akin ang magtatangkang manligaw sa kapatid ko. Papapasukin ko talaga sila sa kabaong na may butas at pag-aanihin ng kamatis sa sagingan ni Pinunong Ungas," biro naman ni Ellan na lalong ikinapula ni Ivan.

"Naman eh! 'Di pa nga ako nagsimula boatlag na agad." Sagot naman niya na ikinahalakhak nang tatlong kasama.

Napatigil lang ang mga ito ng may marinig silang nagsalita.

"Pakisara niyang mga bunganga ni'yo baka pasukan ng bangaw. Ang ingay ni'yo!" Napabaling silang lahat sa nagsalita at napanganga.

"Sabi nang isara 'yang mga bibig ninyo baka pasukan ng bangaw," nakahalukipkip na saad uli ni Liz. Pero halatang mahina pa rin ito basi sa boses nito.

SAVE ME, HEAL ME, LOVE ME ; BY: GEMVILLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon