Chapter 11
SINUBUKANG tawagan ni Ivan si Liz pero hindi sinasagot ng dalaga. Isang bwan na ang nakakalipas mula nang umalis ito, pero tikom ang bibig ni Ellan kung nasaan ang kapatid. Ganoon din ang magulang nito. Araw-araw din siyang nasa bahay ng mga ito, nagbabakasakaling umuwi na ang dalaga.
"Pare, huwag kang mag-alala maayos ang kalagayan ni bunso. Hayaan muna natin siya," ilang beses na paniniguro sa kanya ng kaibigan.
"Pare, mababaliw na ako sa kakaisip sa kanya. Gustong-gusto kong galugarin ang buong Pilipinas para makita siya pero nirerespeto ko ang nais niya. Pero pare kapag hindi ko na talaga kaya, hahanapin ko siya magalit man kayo sa akin," determinadong sabi niya sa kaibigan.
"Ikaw bahala, pare. Pero ngayon hayaan muna natin siya."
Limang buwan na ang matuling lumipas pero walang Liz na umuwi at walang Liz na nagparamdam sa kanya. Tumigil na rin siya sa kakatawag sa dalaga, pero araw-araw siyang nagpapadala ng mensahe dito. Nililibang niya ang sarili sa pagtulong sa kanyang ama sa kanilang negosyo.
Hindi pa rin tumigil ang kanyang ina at si Bianca sa kakakulit at pagpapapansin sa kanya. Hindi na lang niya pinapansin ang mga ito. Itinuon niya ang kanyang atensyon sa mga papeles na kailangang pirmahan at ang pinapagawa ng kanyang ama na alamin ilang bwan na ang nakakaraan. Akala niya kasi ay tapos na iyon pero may natuklasan siyang lihim na pilit binaon pero umalingasaw. Kaya palihim niyang inaalam iyon. Hindi naman siya minadali ng ama tungkol doon. May inutusan din siyang tao para mag-imbestiga.
Tunog ng kanyang telepono ang umagaw sa atensyon niya mula sa mga papeles na inaatupag.
"Hello.."
"Boss Ivan, si Karding po ito. Natapos ko na ang pinapagawa ni'yo," sagot ng tumawag.
"Sige nasaan ka? Pupuntahan kita ngayon," aniya, sinabi nito ang kinaroroonan, pagkatapos ay nagpaalam na. Agad naman niyang tinapos ang ginagawa at ibilin sa kanyang assistant.
Pagdating sa tagpuan nila ni Karding ay napansin niyang nakasunod pala sa kanya ang sasakyan ni Bianca. Agad niyang tinawagan si Karding na pumunta na lang sa kanilang bahay. Doon kasi kahit na makikita siya ng kanyang mama ay hindi nito maririnig ang pag-uusapan nila ni Karding. Palihim kasing naglagay ng CCTV camera ang kanyang ina sa loob ng library nila. Pero lingid dito ay gaglagay rin siya ng spy cams sa buong bahay kaya alam niya kung saan nilalagay ng kanyang mama ang mga iyon.
Pagdating niya sa kanila ay nandoon ang kanyang mama at kasunod niya si Bianca na dumating. Tuloy-tuloy lang siyang pumasok sa loob ng bahay at ibinilin sa kasambahay na kapag may naghanap sa kanyang nagngangalang Karding ay papasukin sa library. Kailangan pa niya kasing linisin ang loob niyon.
"Larry scan and break the unregistered cameras and recorders!" aniya pagkapasok niya ng library.
Si Larry ay isang artificial intellegent computerize system. Gumagana ito sa pamamagitan ng voice command. Nagpatulong kasi siya kina Lewis para mailagay iyon sa kanilang library at pati na rin sa buong bahay. At siya lang ang nakakaalam niyon. Ang mga gamit naman ng kanyang ama ay nakaregister duon at hindi iyon masisira hangat hindi niya sinasabi.
Maya-maya pa ay sunod-sunod na ang narinig niyang maliliit na pagsabog.
"Scan completed!"
Agad niyang kinuha isa-isa ang mga nilagay ng kanyang mama na mga recorder at cameras. Sinalansan niya ito at lumabas sa library bitbit ang mga sirang gadgets. Siniguradong niyang walang makapasok uli sa loob hanga't hindi siya nakakabalik. Namataan niya ang kanyang mama at si Bianca sa sala pero hindi niya pinansin ang mga ito. Nakita niya mula sa gilid ng kanyang mata na gulat na gulat ang mga ito na nakatingin sa kanyang bitbit. Nakasalubong niya ang isa nilang kasambahay.
![](https://img.wattpad.com/cover/100742123-288-k954816.jpg)
BINABASA MO ANG
SAVE ME, HEAL ME, LOVE ME ; BY: GEMVILLA
Romance"Save me. Heal me. Love me."---Eliza Rhayne Daez. "I wanna save you from your miseries. I wanna heal your wounded being. I wanna say I truly love you." --Ivan Bitangkol