FINALEIVAN manage to arrange their wedding in just three weeks. Habang nasa hacienda pa sila ni Liz. Noong araw ding nagkita sila ay nakabuo na siya ng plano. Wala na siyang balak na pakawalan pa uli ang dalaga.
Palihim niyang pinaalam sa pamilya nito ang kanyang balak, sumang-ayon naman ang mga ito. Para mapadali ang lahat ay nagtulong-tulong ang sina Ellan at magulang ng mga ito kasama sina Becky at papa niya. Sina Grace at Ysa naman ay inutusan niyang alamin ang nais ng dalaga sa kasal nito nang pasimple.
Ang magkapatid din ang nagsukat sa dalaga para sa damit pankasal nito at hindi iyon alam ni Liz. Alam kasi ni Ivan na maaasahan ang magkapatid kung diskarte at paraan lang ang pag-uusapan. Nakikita niyang malayo ang mararating ng mga ito balang araw.
Kaya nakaplano na ang lahat pagbalik nila sa Cavite. Noong mawalan ng malay ang dalaga sa taxi ay agad silang dumiritso sa kinaroroonan ng van na pinag-ayusan ng dalaga habang tulog. Nasa isang bakanteng lote iyon malapit lang sa simabahn ng Baclaran kung saan gaganapin ang kanilang kasal.
"BABE are you okey?" masuyong tanong niya sa dalaga. Magkatabi sila sa back set ng puting bridal car.
Ayaw man pumayag ng magulang nito at nang papa niya, sinamahan pa rin niya sa bridal car si Liz para masigurong sisipot ito sa kasal nila. Kahit na alam niyang imposibleng hindi ito pupunta sa sariling kasal nila. Naghihintay na sa kanila ang kanilang mga magulang sa simbahan may kalahating oras pa bago magsimula ang seremonya. Alas kwatro kasi nang hapon ang takdang oras ng kanilang kasal.
"I am fine babe. It's just that.." huminto ito sa pagsasalita at himinga ng malalim, "I just can't believe na totoo na ito. Salamat."
Batid niyang hindi lang simpleng pasasalamat ang sinabi ng dalaga. Ang simpleng salitang iyon ay maraming nakapaloob na mensahe.
"Babe mula nang araw na masilayan kita ay ipinangako ko sa sarili kong puprotektahan kita. Huli man akong dumating sa buhay mo pero handa akong ibuwis ang lahat huwag ka lang masaktang muli. Sinabi ko sa sarili kong gagawing ko ang lahat para matulungan kang makabangong muli. I always tell you silently that, I WANNA SAVE YOU FROM YOUR MISERIES. I WANNA HEAL YOUR WOUNDED BEING. I WANNA SAY I TRULY LOVE YOU," paglalahad niya dito.
"Babe naman huwag mo naman akong paiyakin," ingos nito habang pasimpleng pinapahid ang mga luhang namalisbis sa pisngi nito.
Hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi at masuyong tinitigan.
"Babe I am glad that you are sheading tears because of happiness," maluha-luhang wika ni Ivan. "Seeing you helplessly cry because of sorrow is breaking me into pieces. And silently wish, na sana ako na lang ang nagdurusa at nasasaktan. Kung pwede lang mailipat sa akin ang mga paghihirap na pinagdaan mo, inako ko na. Pero wala akong magagawa kundi ang iparamdam sa'yo na nandito lang ako, kami ng pamilya mo. Handa kang samahan at ipakita sa'yong mahal ka namin."
"Babe, thank you for helping me picking up the shattered pieces of my being. Thank you for guiding me through the darkness. Thank you for saving me. Thank you for healing me. And lastly thank you for loving me. You made me whole again," madamdaming sambit ni Liz.
Both of them were emotional. But at the same time ay nag-uumapaw sa kaligayahan ang kanilang mga puso.
"I can't wait to have you as my wife. Mula noong minahal kita ay pangarap ko nang makasama ka hanggang sa aking huling hininga." Banat pa ni Ivan.
Natatawa naman si Liz sa kakornihan ng binata.
"Mahal na mahal din kita Ivan," tugon ni Liz. "Kung alam mo lang.." bulong nito na hindi nakaligtas sa kanyang pandinig.
BINABASA MO ANG
SAVE ME, HEAL ME, LOVE ME ; BY: GEMVILLA
Lãng mạn"Save me. Heal me. Love me."---Eliza Rhayne Daez. "I wanna save you from your miseries. I wanna heal your wounded being. I wanna say I truly love you." --Ivan Bitangkol