Chapter 12
"WHAT THE HELL ARE YOU DOING ELIZA RHAYNE DAEZ BITANGKOL!"
Gulat na napalingon si Liz sa sumigaw. Ang boses na iyon, kilalang-kilala niya. At pagmamay-ari iyon ng taong ilang bwan niyang pinanabikang makita. Ang taong pinagtataguan niya dahil sa hiya, tuwing naaalala niya ang kagagahang ginawa. Ang taong ama ng munting buhay na tumitibok sa loob ng kanyang katawan.
Matiim siya nitong tinititigan. Napansin niyang medyo pumayat ito pero gwapo pa rin na man. Alam niyang totoo na ito, nasa harap niya si Ivan. Napalunok siya nang magsimula itong lumapit sa kanya. Hindi siya makagalaw, ni hindi niya magawang magsalita. Binubundol ng kaba ang kanyang dibdib.
"I said what are you doing?" Mahina at pasuyong tanong nito nang makalapit ng husto sa kanya ang binata.
"I---"
Hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin dahil bigla siyang nahilo at nasuka pagkalanghap ng pabango ng binata. Alam niyang mild lang iyon at mabango. Katunayan ay iyon ang pabangong iniregalo niya rito. Pero ngayon ay parang masangsang ang dating sa kanya.
"Hey are you okey?" nag-aalalang tanong nito.
Ang kaninang kaba niya ay napalitan ng inis sa hindi malamang dahilan.
"Ang baho mo, huwag kang lumapit!" singhal niya sa binata.
Nais niyang matawa nang makitang inamoy nito ang sarili. Pati si manang ay naki-amoy rin dito.
"Hindi ka naman mabaho ah. Mabango ka pa nga, eh," puna ng matanda, " nako Ivan, iho mukhang ikaw agad ang pinaglihian ni Liz. Magbihis ka muna palitan mo ang damit mo. Ayaw niya yata sa pabango mo."
Napakamot ng ulo si Ivan. And she find that gesture cute. Tuloy parang gusto niyang sugurin ang binata at yakapin nang mahigpit pero nababahuan talaga siya rito.
"Okey! I will be back. At huwag na huwag kang aakyat sa puno kung hindi talagang ikukulong kita ng isang buwan," seryosong banta nito.
"Eh, gusto ko iyong bunga na iyon sa itaas eh," apela niya.
"Ivan, anak kami ay naguguluhan. Hindi namin matiis, eh. Si Liza ba ay iyong kasintahan o asawa?" Sabad ni Ka Erning na kanina pa pala nakamasid sa kanila.
"Asawa po, tatay," matipid na sagot ng binata. Pakiramdam niya tumalon-talon na may kasamang pagsirko ang kanyang puso dahil sa narinig.
"Dyaskeng bata ka, Liza, bakit hindi mo sinabi sana roon ka sa malaking bahay tumuloy. At ikaw naman ate bakit hindi mo sinabing asawa ni Ivan si Liza," wika ni Ka Erning.
"Ikaw Erning mapektusan kita. Aba'y parang ako pa ang pagagalitan mo, eh ako ang ate mo. At malay ko bang si Ivan ang may-ari nitong hacienda. Alam mong matagal akong hindi umuwi rito!" sawata naman ni manang Rita sa kapatid.
Natawa sila sa bangayan ng magkapatid pati na rin ang ibang busy sa pamimitas kanina ay bahagyang huminto para makiusyuso.
"Tatay pahinga muna kayo at magmeryenda," narinig niyang sabi ng binata sa mabait na katiwala.
"Siya sige anak." Sagot nito at niyaya ang iba pa na pumunta na sa kubong pahingahan ng mga ito.
May nakahandang meryenda na roon dahil mula noong dumating siya tito sa Guimaras ay sumasama siya kay tatay Erning kahit pinipigilan siya ni manang Rita. Nalilibang kasi siya at isa pa wala rin naman siyang ginagawa dahil ayaw naman siyang pakilusin ni manang Rita sa bahay nito.
"Let's go?" yaya sa kanya ni Ivan. Si manang Rita ay hinintay rin siya.
Napangiwi siya nang akmang hahawakan siya ng binata. Talagang masakit sa ilong ang pabango nito.
BINABASA MO ANG
SAVE ME, HEAL ME, LOVE ME ; BY: GEMVILLA
Romance"Save me. Heal me. Love me."---Eliza Rhayne Daez. "I wanna save you from your miseries. I wanna heal your wounded being. I wanna say I truly love you." --Ivan Bitangkol