PROLOGUE
FIVE months later....
Malakas na sigaw ni Liz ang bumulabog sa tahimik na ancestral house sa hacienda. Alas tres palang nang hapon at lahat ay nagpapahinga.
Humahangos na dumating ang magkapatid na Ysa at Grace. Semestral break kasi kaya nasa malaking bahay ang dalawa. Talagang naki-usap siya sa asawa na kung maaari ay dumito nalang sila sa hacienda. Nagustuhan kasi ni Liz ang lugar. Tahimik at sariwa ang hangin. Bukod doon ay sariwa din ang mga gulay na kinakain niya. Napag-alaman niyang galing sa hacienda ang lahat ng sangkap ng Ivan's, kaya hindi na siya nagtaka kung bakit dagsa ang mga costumer.
"Ate napaano ka?" alalang bungad nimg dalawa.
"M-manganganak na yata ako. H-humihilab ang tiyan ko na natatae ako. At ..at masakit din ang ari ko," hirap na sagot niya.
Bago pa magsalitang muli ang dalawa ay humahangos na ang asawa. Saglit kasi itong nagpaalam na pupunta sa manggahan. Nag-spray kasi sila Ka Erning ng mga pesticides, panhanda sa nalalapit na pamumulaklak ng mga mangga.
"B-babe what happen?"
"Kuya humihilab na daw ang tiyan ni ate," maagap na sagot ni Ysa.
Sa narinig ay agad na kumaripas ng takbo si Ivan patungo sa silid nila. Pagbalik nito ay bitbit na nito ang bag na naglalaman ng gamit ng baby at gamit niya.
"Grace pakibitbit nitong bag. Ysa pakitawagan ang clinic sabihin mong padating kami," aligagang utos ni Ivan sa magkapatid.
Agad-agad naman nitong binuhat si Liz. Hindi alintana ang bigat nito. Puno ng pag-alala ang mukha ni Ivan habang nagmamaneho na kung tutuusin ay malapit lang ang klinikanng hacienda. Mga sampung minuto lang kung lalakarin. Hindi na nagawang tumutol pa ni Liz na gumamit pa sila ng sasakyan. Nais man niyang maglakad nalang pero hindi niya yata kakayaning maglakad dahil maya't maya ang paghilab ng kanyang sinapupunan.
She wanted to scream out loud pero pinigilan niya ang sarili. She needed her energy later. Limang minuto lang ay nakahiga na siya sa stretcher ng clinic. Nakaabang na kasi ang doktor at ang assistant nitong nurse sa kanilang pagdating. Agad siyang inasikaso ng mga ito.
Sinigurado ni Ivan na kompleto ang mga gamit ng klinika para sa kanyang panganganak.
"Dok please let Ivan stay beside me," mahinang paki-usap niya sa doktor habang inaalam nito ang kalagayan nilang mag-ina.
"No problem iha. Okey naman ang heartbeat ni baby. At medyo mataas pa ang cervix mo. Nasa two to three centimeters dilated palang ang opening nito. Ilang oras pa ang hihintayin natin bago tuluyang lumabas si baby. Intact pa naman ang iyong bag od waters kaya wala kang dapat ipag-alala. Kung kaya mo pang maglakad-lakad ay gawin mo para mas mapadali ang pagbaba ng cervix mo." Paliwanag ng doktor.
Tumango si Liz sa doktor. Naintindihan niya ang sinasabi nito. Pinakiramdaman niya ang sarili kung kaya niyang tumayo. Inalalayan siya ni Ivan para sana tumayo...
"D-dok!" Nahintakutang tawag niya sa doktor.
Daglian kasing nagpaalam ito dahil inasilaso nito.ang bagong dating na tauhan ng hacienda. Tangan nito ang umiiyak na anak. Narinig niyang nadapa umano ang bata at naitukod ang kamay nito ng alanganin dahilan upang mabali ang buto nito.
Pagkarinig ng sigaw niya ay humangos ang isa sa mga assistant ng doktor. "Ma'am Liza bakit po?"
Nakasanayan ng iba natawagin siyang Liza.
"U-umihi ata ako. At... at pa-parang madami.," wika niya.
Agad naman nito sinilip ang ilalim ng kanyang suot na duster.
BINABASA MO ANG
SAVE ME, HEAL ME, LOVE ME ; BY: GEMVILLA
Romantizm"Save me. Heal me. Love me."---Eliza Rhayne Daez. "I wanna save you from your miseries. I wanna heal your wounded being. I wanna say I truly love you." --Ivan Bitangkol