chapter 13

205 18 0
                                    

Chapter 13

NANG mga sumunod na araw ay naging masaya ang dalawa. Hindi naman maselan ang pagbubuntis ni Liz. Pero mga kakaibang pagkain ang napaglihian.

"Babe," mahinang tawag ni Liz kay Ivan. Nasa garden silang dalawa na ginawa na nilang tambayan. Naglagay ng duyan ang binata sa pagitan ng dalawang puno.

"Yeah?" Anas nito habang abala sa pagbasa ng mga papeles ng hacienda. Nakaupo ito sa mesa samantalang siya ay nasa duyan. Alas dos na ng hapon at inaantok na siya. Nais sana niyang umidlip pero naglaway na naman siya sa mangga.

"Babe, gusto kong kumain ng minatamis na hilaw na mangga sa bagoong at siling labuyo."

Sa narinig ng binata ay napabaling ang atensiyon nito sa kanya na lukot ang noo.

"Babe may pagkain bang gano'n?" takang tanong nito.

"Meron. Kaya nga iyon gusto kong kainin eh," nakalabing sagot niya rito.

"Okey, magpapahanap tayo mamaya kina Grace at Ysa. Baka may alam sila," wika nito.

"Gusto ko ngayon na," mahinang sambit niya.

Hindi niya maintindihan ang sarili dahil naiiyak siya. She badly want to eat it now. Sakto namang dumating ang magkapatid na may dalang banana que. Nakasanayan na ng mga ito na magluto ng kung ano-anung meryenda sa hapon at dinadala dito sa garden para pagsaluhan nila. Minsan kasi nasa manggahan si Ivan at ang magkapatid ang palagi niyang kasama.

"Ate oh, spicy banana que at camote que. Masarap to," nakangiting alok sa kanya ni Ysa.

Inabot niya ang alok nitong isang stick ng banana que. Sa unang tingin ay masarap na ito kaya agad siyang kumagat. Ninamnam niya iyon at ang sunod-sunod ang kanyang pagkagat sa isang piraso ng saging hanggang sa maubos iyon. Tuloy puno ang kanyang bibig, but she doesn't care kasi masarap talaga ang banana que. Matamis na medyo maanghang at may nalalasahan pa siyang kalamansi.

Humingi siya uli ng isa pa kay Ysa. Camote que  naman ang inabot nito. Masarap din ang kamote. Matamis na maanghang at may nalalasahan siyang cheddar cheese. Tiningnan niya ang kinakaing  kamote. Sa gitna ay may melted cheddar cheese!

"Ang sarap naman nito girls," puri niya sa dalawa.

"Ate pwede na bang pang resto?" pabirong tanong ni Grace.

"Pwedeng-pwede!"

"Ayan kuya ah. Narinig mo si Ate. Pwede na daw pangresto kaya alam na dis!"

"Magkano ba ang presyo ng resipe? Kailangan na nga ng bagong dessert ng IVAN's," bagaman nakatawa ang binata ay halata namang seryoso ito.

"Eh kuya, ikaw na ang bahala," nakangiting sagot ng dalawa.

"Okey, tatawagan ko na lang si Becky at ihanda ni'yo ang sample pagdating niya," nakangiting tugon ni Ivan sa dalawa.

"Opo kuya. Ihahanda din namin ang bagong panghimagas na ginawa namin. At saka ni'yo na matitikman iyon," excited na lahad ni Grace.

"Don't tell me kayo  din ang nakaisip nang halo-halo sa loob ng pakwan?" nanantyang tanong ni Liz.

"Oo ate, at nagustuhan iyon ni ate Becky noong pumunta siya dito kaya naisip niyang maganda iyong dessert sa resto," pagmamalaking amin naman ni Ysa.

"Wow! Pwede na pala kayong magpatayo ng dessert café," puri uli ni Liz sa dalawa.

"Nako po ate baka mawalang ng costumer ang Ivan's," biro ni Grace na ikinatawa nila.

"Pero tama ang ate ninyo bakit hindi kayo magpatayo ng Dessert Café?" Sabad ni ivan.

SAVE ME, HEAL ME, LOVE ME ; BY: GEMVILLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon