chapter 4

148 15 4
                                    

Chapter 4

"NO, 'Ma, just leave me alone, please." Umiiyak na pakiusap ni Liz sa ina na kumakatok sa pinto ng kanyang silid.

Kagagaling lang nila sa psychaitrist at doon nila nalaman na nagkaroon ng side effect ang drugs na itinurok sa kanya. Nagsagawa kaagad ng drug test nang malaman ng doktor ang nangyari sa kanya. Nalaman nilang mataas pa ang drug chemical sa kanyang dugo, dahilan kaya nakakaramdam pa siya ng epekto ng mga drugang ito paminsan-minsan.

Walang sinabi ang doktor kung kailan ito mawawala. Kaya binigyan na lang siya ng pampakalma o pampatulog kapag inaatake siya ng kakaibang init sa katawan.

She wanted to end everything. She hated this. How can she move on, kung hinahabol pa siya sa panaginip ng mga demonyong iyon? Hindi lang trauma at malaking lamat sa kanyang pagkatao ang iniwan ng mga ito, kundi isa pang uri ng sakit na hindi niya kayang tanggapin. Isang sakit na nagbibigay sa kanya ng pandididri sa sariling pagkatao. Isang sakit na lalong maglalayo sa kanya sa mga mahal niya.

"Anak, please, buksan mo ang pinto," muling pakiusap ng kanyang ina.

"'Ma ayoko, gusto kong mapag-isa. Ayokong kawaan n'yo ako, 'ma." Sagot niya sa ina habang patuloy pa rin ang pag-agos ng luha sa kanyang mga mata.

"Anak, hindi ka namin kinakaawaan anak. Mahal ka namin. Kailaman hindi naging awa ang pagmamahal anak," mahinang saad ng kanyang ina.

"Just this once, 'ma. Let me alone," she weakly replied to her mother.

She wanted to be alone at this moment.

"Okey, nandito lang kami, Liz. Mahal ka namin, handa ka naming tulungan at alagaan. Huwag mong isiping naaawa kami sa 'yo kaya namin ginagawa ito. Mahal ka namin, kaya namin ginagawa ito. Magkaiba ang pagmamahal sa awa, anak," muling wika ng ina.

"'Ma, leave me at peace, please. Gusto kong mag-isip 'ma," aniya.

"Sige, anak. But don't do anything. Anak hindi ka nag-iisa tandaan mo iyan. Mahal ka namin," malumanay na saad nito bakas sa boses ang pag-alala at lungkot.

"Tatandaan ko iyan, 'ma," mahinang sagot niya na alam niyang siya lang ang nakarinig.

Narinig niya ang mahinang yabag palayo sa kanyang silid. Humiga siya sa kanyang kama at doon tahimik na nanangis.

"Why life is so unfair? Bakit hindi na lang ako hinayaang mamatay? Sana isang sakit na lang ang nararamdaman ng pamilya ko. Hindi sana naghihirap ang kalooban nila na makita akong nakalugmok. Ayoko nang magpatuloy pa, AMA, pero lumalaban sila para sa akin. Ama, humihingi ako ng gabay para makayanan itong unos na pinagdaraanan ko. Siguro nga tama ang kasabihang: 'Hindi Mo ibibigay ang bagyo, kung alam Mong hindi kakayaning makabangon pang muli nang nasalanta.' Ama patawad kung pinagdudahan kita. Kakayanin ko po ito, para sa pamilya ko, sa mga nag-aalala sa akin at para sa sarili ko," emosyonal na dalangin niya. Hindi niya namalayang nakatulog pala siya.

MARAHANG tapik sa balikat ang nagpagising kay Liz.

"Liz, anak," boses ng ina ang kanyang narinig kaya binuksan niya ang kanyang mga mata.

"Ma?" Takang tanong niya nang makitang umiiyak ito.

"A-anak, okey ka lang ba," tanong nito banaag sa mata nito ang pag-alala.

Ngumiti siya ng tipid, "Okey lang ako, 'ma. Nakatulog lang ako l." Aniya sabay punas ng mga luha nito.

Nasasaktan siyang nakikitang lumuluha ang ina dahil sa kanya. Niyakap niya ito nang mahigpit.

"Patawad, 'ma. Ayaw kong nakikita kang umiyak, kaya tama na. Na-gi-guilty ako, dahil ako ang dahilan ng iyong pagluha. Tahan na, kakayanin ko ito, 'ma. Mawawala rin ito," aniya habang walang patid na namang tumutulo ang kanyang luha na hindi niya alam kung kailan mauubos.

SAVE ME, HEAL ME, LOVE ME ; BY: GEMVILLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon