Chapter 8
"UMIIYAK ka na naman," untag ni Ellan kay Liz. Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil sa gulat. Agad niyang pinahid ang kaniyang luha. Nasasaktan kasi siya sa isiping ikakasal na pala si Ivan kay Bianca at ngayong araw.
Pagkaalis ni Ivan kagabi ay nagpagkasunduan nilang mag-anak na manuod ng late night news. Doon ibinalita ang kasal ng binata. Napaiyak siya nang hindi namamalayan at iyon ang tagpong naabutan ni Ellan.
"Kuya masakit pala. Hindi naman naging kami eh, pero hindi ko maiwasang hindi masaktan. Kaya pala nagpaalam siya na mawawala nang ilang lingo. Akala ko kasi pareho kami ng nararamdaman." Himutok niya at muling namalisbis ang kanyang mga luha.
"Bunso wala namang nabanggit sa akin si Ivan. Hindi sa kinakampihan ko siya, pero sa ilang taong magkasama kami ni minsan ay wala siyang pinakilalang babae sa akin. At bunso sa tingin ko ay mahal ka niya," malumanay na saad ni Ellan, "puno nga lang siya ng katorpehan."
"Hindi ko alam kuya, basta nasasaktan ako. Ang sabi niya lang ay may aasikasuhin siya na ipinakiusap ng kanyang ama," malungkot na saad niya.
"Bunso trust his words. May tiwala ako kay Ivan. Naalala ko na, si Bianca ang kababata niyang patay na patay sa kanya. Ang alam ko ay tinging kapatid lang ang kayang ibigay ni Ivan sa kanya, at bunso sa ilang taon naming magkaibigan ay ngayon ko lang siyang nakitang nagkainteres sa isang babae at ikaw iyon."
"Baka naaawa lang siya sa akin kuya kaya ganun," siwata niya.
"Bunso iba ang tingin ng awa kesa tingin ng taong inlove. Lalaki rin ako at nagmamahal kaya alam kong mahal ka ng mokong na iyon. Iyon lang, torpe."
Napangiti siya sa sinabi ng kanyang kuya, "Kuya kung magkagano'n nga, payag ka bang ako ang manligaw sa kanya?"
Nanlaki ang mata ni Ellan sa narinig mula sa kapatid, "Seryoso bunso?"
"Eh, sabi mo kasi torpe. Kaya ako na lang manligaw baka kasi uugod-ugod na ako eh hindi pa siya nakapagsimulang manligaw," bungisngis niya sa kapatid. Napakamot nalang ng ulo ang kapatid dahil sa sagot niya.
"Bunso, don't jump into conclusion. Wait for his explaination. 'Di ba sabi niya may aasikasuhin siya, so believe him. And huwag mong dibdibin ang balita, malamang hindi iyon totoo," payo ni Ellan sa kanya. Tumango na lang siya ng marahan sa kanyang kapatid.
"BUNSO halika kain tayo sa labas, my treat," nakangiting yaya ni Ellan kay Liz. Dalawang lingo na mula nang mag-paalam si Ivan. Hindi ito tumatawag o nag-text man lang kung kamusta na ito.
"Ayokong lumabas kuya," sagot niya dito na ikinakunot-nuo nito.
"Aizt! Naman eh. Minsan lang ako magtreat sa inyo nina mama eh," busangot na saad nito.
Napabuntonghininga siya sa ginawi ng kanyang kapatid. Wala talaga siya sa mood na magliwaliw.
"Sis kaysa magmukmuk ka, sumama ka na lang," pagpumilit pa ni Ellan sa kanya.
"Saan ba tayo kakain?"
"Nagpareserve ako sa Ivan's.." anito.
"Bihis lang ako kuya," agad-agad na sagot niya pagakrinig nang sagot nito, at mabilis na tumungo sa kanyang silid.
Makalipas ang isang oras ay iginigiya na sila ng isang service crew ng Ivan's patungo sa naka-reserve na mesa ni Ellan. Nasa kalagitnaan na sila ng pagkain nang may tumawag sa kanya.
Agad siyang napalingon at napangiti ng makilala ang tumawag, "Becky.."
"Kamusta na?" agad na tanong nito nang makalapit ng husto sa kanilang mesa.
![](https://img.wattpad.com/cover/100742123-288-k954816.jpg)
BINABASA MO ANG
SAVE ME, HEAL ME, LOVE ME ; BY: GEMVILLA
Romance"Save me. Heal me. Love me."---Eliza Rhayne Daez. "I wanna save you from your miseries. I wanna heal your wounded being. I wanna say I truly love you." --Ivan Bitangkol