And they called it puppy love
Just because we're in our teens
Tell them all, please tell them it isn't fair
To take away my only dream
Puppy love is an informal term for feelings of love, romance, or infatuation, often felt by young people during their childhood and adolescence.Bakit ba "puppy love" ang tawag nila samantalang hindi naman tayo mga tuta? Pwede namang "baby love" or "young love" na lang di ba? Ganon pa man ang importante e ang root word "love". Di ko alam kung masuwerte ba ako at sa mura kong edad ay naranasan ko nang umibig. Dati pag-aaral lang at paglalaro ang pinagtutuunan ko ng pansin pero nagbago ang lahat nang makilala ko si Andrew.
Madalas sinasabi ng matatanda puppy love lang yan. Lilipas din yan. Pero paano nga ba makakalimutan ang isang taong minsan ay minahal mo?
Naglalakbay ang isip ko habang nakaharap sa monitor. Hindi ko makalimutan yung sinabi ni Rome na kaklase ko nung elementary, "friends" na daw sila ni Andrew sa FB. Ilang taon na rin lumipas nung huli ko syang nakita.
Kumusta na kaya sya? Ano na kayang itsura nya ngayon? May girlfriend na kaya sya o baka may asawa na? Eto ang mga tanong na tumatakbo sa isip ko. Nakakapagod ah... ang mag-isip.
"Ano ba? I-search ko kaya sa Google? Baka may makita akong larawan nya.
Typing... "Andrew Romero"
Enter.Kinakabahan ako habang tina-type ang pangalan nya. Hindi ko alam kung bakit? Bakit iba pa rin ang epekto nya sa akin? Siguro dahil sa matagal na kaming hindi nagkita.
May larawan akong nakita.
"Eto na ba sya?"
"Bakit nakakalbo na sya?"
"Nagkasakit kaya siya? eto ang mga tanong ko sa aking sarili. Naalala ko pa ang kanyang itsura. Ang kapal at kulot ang kanyang maitim na buhok parang tulad kay Gary V.
"Eto na ba ang best friend ko?" habang nangingilid ang luha sa aking mata.
Biglang may napansin akong article. Binasa ko ang nakasulat.
Feeding program na ginawa ng isang radio station at si Andrew ang nag-donate. Bigla akong natawa sa aking sarili. Luminga-linga ako baka may naka tingin sa akin na officemate ko. Buti na lang at walang nakakita sa akin kung hindi mapagkakamalan akong galing sa mental hospital."Hay, buti na lang" napapangiti at pabulong kong sinambit.
Natutuwa ako dahil hindi sya yung lalaking nakita ko sa post pero nalulungkot at nanghihinayang ako dahil akala ko makikita ko na sya ulit.
Pero parang may sariling utak ang mga daliri ko at patuloy ang pag-pindot ko sa mouse hanggang sa may nakita akong larawan na pamilyar sa akin. Huminto ako at tinitigan ang larawang nasa harap ko. Hinding-hindi ako pwedeng magkamali sya ang taong matagal ko nang ninanais makita.
---oOo---A/N:
The used photos are not mine. Credits to the owners.
Hi guys!!!!
Salamat sa lahat ng nagbasa. Eto ang unang beses na sumulat ako ng nobela kaya sana ay maibigan nyo.
Please don't forget to comment and vote! 😘😚😊
P.S.
Please continue reading my story. Thanks!!! :)
-Rap-
BINABASA MO ANG
They Called It Puppy Love
Teen Fiction"Di ko alam kung masuwerte ba ako at sa mura kong edad ay naranasan ko nang umibig. Dati pag-aaral lang at paglalaro ang pinagtutuunan ko ng pansin pero nagbago ang lahat nang makilala ko si Andrew." ~ Ellie Magkababata, magkalaro, at mag best frien...