Chapter 13 - Promise Me

23 8 0
                                    


"Promise me you'll never forget all times we spent together and promise me no one will take my place in your heart."

Ellie's POV

Linggo na ngayon. Ang araw para ibigay sa Panginoon. Bata pa lang kami ay sinanay na kami ng tatay ko magsimba linggo-linggo at ang nanay ko naman ay madalas kaming basahan ng mga kuwento sa Biblia. Kaya bata pa lang ay malapit na talaga ako sa Diyos. Feeling ko kulang ang isang linggo ko kapag hindi ako nakakapagsimba.

Siguradong nandoon si Mike ngayon sa simbahan. Wala na talaga akong kawala nito kapag kinausap niya ako mamaya. Huwag na kaya akong mag simba? Naku, baka sabihin ni Lord na hindi dahilan yon para hindi ako mag simba ngayon.

Inayos ko ang sarili ko. Isinuot ko ang ternong puting blusa na may maliliit na embroidery ng bulaklak at pulang palda na lagpas tuhod. Ini-ribbon ko sa likuran ang pulang tali sa blusa ko. Hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko.

Tuwing Linggo lang talaga ako nag bi-bestida kapag mag-sisimba o kaya kapag mamasyal kaming mag-anak. Madalas ay naka-shorts lang ako at sando na pinupuslit ko sa cabinet ng mga kapatid kong lalake kapag nasa bahay ako dahil mas komportable akong isuot yon.

Pagdating namin ni Katie at Rea sa simbahan ay nandoon na si Mike. Nakangiti siya sa amin habang papasok kami ng simbahan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pero hindi ako pwedeng magpahalata sa kanya na kinakabahan ako. Nakaupo na ako nang bigla tumabi sa akin si Mike. Gusto ko sanang lumipat ng upuan pero mahahalata ako na iniiwasan ko siya. Simula sa umpisa ng service hanggang matapos ay di ko nagawang lumingon. Feeling ko may stiff neck na ako parang hindi ko na talaga maigalaw ang leeg ko.

Pagkatapos ng service ay nagmamadali akong lumabas. Naiwan pa si Katie at Rea sa loob ng simbahan. Sumilip ako sa pinto at nakita kong kinakausap ni Mike si Katie. Gusto ko nang umuwi. Ayokong bigyan ng pagkakataon si Mike na makausap ako.

Maya maya ay lumabas na si Katie at Rea.

"Ellie!" ang tawag ni Katie.
Lumapit siya sa akin.

"Kakausapin ka daw ni Mike" bulong niya sa akin.

"Umuwi na tayo, Katie. Sabihin mo na lang na kailangan na nating umuwi" ang yaya ko sa kanya.

Eto na naman kumakabog na naman ang puso ko. Hindi dahil sa nandiyan si Mike, oo siguro dahil nandiyan siya at dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Ngayon pa lang may magtatapat sa akin ng pag-ibig. Pag-ibig? Oo nga naman bata pa pala ako. Ano ba ang alam ko sa pag-ibig? Crush lang ang alam ko... paghanga.

"Kausapin mo na kasi siya Ellie... para matapos na ito. Kukulitin lang ako nang kukulitin ni Mike. Sige ka baka mamaya ako na ang sumagot sa kanya" nangingiting biro ni Katie sa akin. Napangiti din ako sa sinabi niya.

"Pero hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Kinakabahan talaga ako." Hinawakan ko ang kamay ni Katie para malaman niyang nanlalamig na ako sa nerbyos.

"Sabihin mo lang yung totoo, bes. Ayaw mo pang magpaligaw... na kapag 30 year-old ka na tsaka ka pa pwedeng ligawan." Natatawang sabi ni Katie sa akin.

"Grabe ka naman, bes. Hindi naman ganun katagal... mga 29 naman." Kunwari'y naiinis ako sa sinabi niya.

Tawa nang tawa si Katie sa sinabi ko. Pati tuloy ako ay natawa na rin. Alam na alam talaga ni Katie kung paano ako patatawanin.

"O sige na nga. Para hindi na rin ako iwas nang iwas sa kanya. Haharapin ko na siya." Huminga ako nang malalim.

"Kaya ko ito" ang nasa sa isip ko.

"Okay na ha. Pupuntahan ko na siya para sabihin na payag ka nang kausapin siya. Doon ka na lang maghintay sa tambayan natin para makapag-usap kayo nang maayos" ang utos ni Katie sa akin.

They Called It Puppy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon