Chapter 15 - Secret Crush

29 6 0
                                    

"I have a hopeless crush on someone I have no chance with"


Ellie's POV


Pasukan na naman. Balik sa normal na buhay... "ang mag-aral". Nasa section 1 pa rin ako ngayong pasukan. Gaya ng dati mag kaklase pa rin kami ni Andrew.

"Class, listen! Mamimigay na ako ng libro ngayon. Pero dahil sa kakulangan natin ng libro maghahati-hati kayo. Yung magkakapitbahay sila yung magsi-share sa libro. Naintindihan nyo ba?" ang tanong sa amin ni Gng. Ferrer, ang aming class adviser.

"Opo!" ang sagot naming lahat.

Kilala si Gng. Ferrer bilang isang "terror" na teacher. Maraming takot at naiinis sa kanya na mga estudyante dahil namamahiya daw siya sa klase. Istrikta siya kaya gusto ko naman siya dahil alam kong marami akong matutunan sa kanya.

"Okay! Tatawagin ko kung sino sino ang maghihiraman ng libro. Lumapit kayo dito kapag tinawag ko kayo at kunin niyo yung libro niyo. Walang mag-iingay. Kukurutin ko sa singit." Yan ang paalala ni Ma'am sa amin kaya tahimik kaming lahat habang naghihintay na matawag.

"Andrew at Ellie. Lapit na kayo dito" ang tawag ni Gng. Ferrer.

Tumayo ako at pumunta sa harapan. Ganun din si Andrew.
Tumingin sa amin si Ma'am habang nakaupo siya at nagsusulat sa kanyang lamesa.

"Kumuha kayo ng tig-apat na libro. Magkaiba kayo ha", ang utos niya sa amin.

Sabay kaming kumuha ni Andrew ng libro na magkakaiba gaya ng utos sa amin at bumalik kami sa harap ni Ma'am. Isa-isa niyang inilista ang mga pamagat ng libro na kinuha namin.

"Ingatan nyo yan ha at lagyan nyo ng plastic cover ang mga libro" ang sabi ni Gng. Ferrer sa amin.

"Opo, ma'am" ang sabay na sagot namin ni Andrew.

Bumalik na ulit kami sa upuan namin.

Pagkatapos naming mag-outing nung summer naramdaman ko na parang nagkaka-crush na ako kay Andrew. Pero hindi pwede dahil alam kong may iba siyang crush at iyon ay si Sarah.

Kung ikukumpara sa akin si Sarah. Ang layo ko sa kanya. Wala halos ako sa kalingkingan niya. Sa ganda at sa yaman walang-wala akong panama. Sila talaga ang bagay ni Andrew kaya nga sila ang laging magkapareha sa mga school activities namin, in short, "love team" sila ng class namin.

 Sila talaga ang bagay ni Andrew kaya nga sila ang laging magkapareha sa mga school activities namin, in short, "love team" sila ng class namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kaya siguro in-denial pa rin ako na crush ko nga si Andrew. Kailangang hindi ito matuloy dahil baka malaman niya na crush ko siya at lumayo na siya sa akin.

Sadya lang mapagbiro ang tadhana dahil pinag-lalapit niya pa kaming dalawa. Bakit kailangan pa naming maghiraman ng libro? Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. Hay! Nakakaloka lang. May mga bagay talagang hindi mo kayang ipaliwanag kahit matalino ka pa. May mga tanong na hindi kayang sagutin ng utak at tanging puso lang ang nakakaalam ng kasagutan.

They Called It Puppy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon