Pasensya Na
by Lana PangilinanSa ilang taong nakasama at nakilala ka, salamat mahal.
Salamat sa pagmamahal mula sayo, salamat dahil kahit papano'y naranasan kong umibig at ibigin ng tulad mo.
Pero mahal, patawad. Kailangan ko ng mamaalam. Hindi na kita kayang panghawakan.
Kaya mahal, pasensiya ka na.
Pasensya na dahil sumuko na ako,
Sinukuan ko na ang pag-ibig ko para sayo, dahil alam Kong mas masasaktan ka lang kung ipipilit pa nating dalawa to.
Ipilit ko man, gustuhin ko man na ako pa din ang lumakad papunta sayo sa altar ay hindi na maari.
Masakit isipin na lahat ng pangako, lahat ng pangarap nating dalawa, mga panngarap nating magkasama ay Di na matutupad, may isang pangarap akong sana'y ipangako mo.
Tupadin mo lahat ng pangarap natin, mahal ko.
Kahit sabihin pa nating hindi na ako ang nasa tabi mo.
Pasensya ka na kung hindi ko na kaya. Pasensya ka na kung sinukuan na kita.
Kase mahal hindi na ako to. Hindi na ako yung babaeng minahal mo. Wala na yung mahaba at maganda Kong buhok, wala na yung sigla sa mata ko na sinabi mong pinatibok ang puso mo ng pabulusok.
Wala na ako. Unti-unti na akong kinukuha ng SAKIT ko mahal.
Alam ko na malapit na Rin akong kunin papuntang langit ng sakit na to.
Kaya mahal ipangako mo na magmamahal ka ng higit pa sa tulad ko. Ipangako mo na magiging masaya ka kahit wala na ako. Ipangako mo na magiging masaya ka sa bagong buhay mo. Ipangako mo mahal na tatanggapin mo ang pasensya ko.
Dahil kahit anong pilit ko mahal, pasensya na. Hanggang dito na lang ako.
Hanggang dito na lang tayo.
