Sana Wala Na

767 5 9
                                    

Sana Wala Na
ni Lana Pangilinan
...

Ang malakas na ugong ng mga sasakyan at mga hiyawan ng bawat dumaraan ang siyang naging saksi,
Saksi sa isang pagibig na tila isinumpa ng mga tala sa gabi.
Isang pagibig na pinanghawakan ko at itinabi,
Dahil akala ko... Yung pagibig na iyon kakayanin ding magwagi.

Andito nanaman ako sa lugar kung saan maraming mga tao ang siyang nagsisidaan.
Mga taong walang pakialam sa kahahantungan,
Matugunan lang ang sa tingin nila'y tamang pamamaraan.

Sana lahat.

Sana lahat kayang maging tulad nila,
Sana lahat kayang lumaban para sa pagibig na tila obra,
Sana lahat ng lumaban ipinaglaban ng ipinaglaban nila kasi...
Ang sarap naman sana magmahal. Sana.

Sana hindi na lang ikaw
Sana hindi ka na lang ngumiti sa akin kung ikaw din naman pala ang unang bibitaw
Hindi ko alam kung saan sisindihan ang ilaw
Dahil nung nawala ka, kahit langit hindi ko na makita ang pagka-bughaw

Naging magkaibigan ngunit hindi naman na nadugtungan
Naging magkaibigan
Tapos...
Wala na.
Hindi ko rin naman alam kung paanong hindi na tayo bigla magkakilala.

Paanong ang taong kasama ko sa asaran hanggang als tres y media ay hindi ko na masabihan ng problema?
Sabihin mo sa kung papaano at saan kita nabitawan para lumabas na ako yung nagkulang?

Sa papaanong paraan ba kita nasugatan para gumanti ka sa paraang sigurado akong masasaktan?

Ikaw yan.

Ikaw yung taong nandyan. Dati.

Tapos... Wala na.

Tapos na.

Wala ng tayo.

Pero andun pa din ako, umaasang magkaroon ng isa pang pagkakataon para makuha ang puso mo.

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon