Higit, Kumulang

2.2K 24 1
                                    

Higit Kumulang
by Lana Pangilinan

Sabi mo, higit siya. Sabi mo kumulang ako.
Ngayon iniwan mo ko, pinabayaan mo ako.
Iniwan mo akong lumuluha sa pagkawala mo sa Mundo ko.
Dahil Mahal Nung iniwan mo ko, nawala na din ako.
Siguro dahil dati, Nung tayo pa unti-unti nang nauubos yung ako. Unti-unti nang nawawala yung pagkatao ko sa sobrang pagmamahal ko sayo.
Kaya ngayon ipaliwanag mo kung bakit.
Bakit Sabi mo kumulang ako sa pagmamahal sayo?
Bakit Sabi mo mas higit siyang mahalaga sayo?
Bakit nasabi mong mali na naging tayo?
Papano mo nagawa yon Mahal ko?
Hindi ko lubos maisip na mawawala na Lang lahat Ng ganito. Hindi ko lubos maisip na kinaya mong saktan ako na Wala namang ibang ginawa kung hindi mahalin ang tulad mo.
Ipaliwanag mo sa akin kung paano, turuan mo akong kumalimot sayo.
Turuan mo Kong alisin yung sakit dito sa puso ko.
Higit, kumulang, Hindi mabilang mga pangako mong hanggang ngayon ay ayaw akong iwan.
Hindi ko kayang tanggapin na ganto na Lang tayo, Hindi ko kayang pabayaan yung relasyong nilagay ko sa pedestal ko.
Hindi ko magawang iwan yung taong Mahal na Mahal ko na Mahal na Mahal yung best friend niya... Na dating best friend​ ko.
Hindi ko alam kung paanong sa dalawang pagkakataon ay naagawan ako at iniwan ako. Sabay. Sagad. Tagos yung sakit.
Ramdam ko kung papano lahat Ng ngiti ko ay napuno ng pait.
Pero siguro nga, nagkulang ako.
Kaya ngayon higit siya para sayo.
Higit siya ng sobra para masira tayo. Higit siya Ng sobra para mapalitan niya ako.
Higit siya ng sobra dahilan para masaktan ako Ng ganto.

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon