Pusher
ni Lana Pangilinan
Dedicated to my Half.
...Tumayo akong pilit at sinubukang tumakbo,
Palayo sa aming sariling bahay, palayo sa tahanan ko,
Hindi ko alam kung bakit at papaano na ako ngayo'y tinatawag na adik.
Kasiraan sa pangalan ng ama, kasiraan sa pangalan ng ina.
Disi-sais aniyos lamang ako, ni wala pa nga akong muang sa mundo.Kaya... Ako'y tumakbo. Mabilis na mabilis. Tumakbo ako na tila bukas ay mapapatid.
Tumakbo ako para sa aking kalayaan.
Tumakbo ako para mabuhay at sa aking kinabukasan.Pero Hindi... Naabutan ako ng mamang pulis. Naabutan nila ako sa kabila ng mabilis kong pagtakbo.
Nahawakan nila ang mga kamay ko... Kasabay ng paghawak nila sa kinabukasan ko."Totoy, tama na! Wag ka ng manglaban!" Hiyaw nila sa akin na ipinagtaka ko naman.
Paano ho ba ako manlalaban mamang pulis? Pantulog lang naman ang suot ko at wala akong suot na kahit anong makakasakit."Totoy bat may dala kang baril? Ibaba mo yan!" Hiyaw pa ni Hepe na ikinakunot noo ko naman.
Asan ang baril? Sino ang may baril?"Totoy wag mo kaming paputukan!" Tila takot ang Boses nila at dinaplisan ang isa sa kanila. Bago pa ako makapanlaban, ramdam ko nalang bigla ang kung anong tumagos sa aking tiyan bago natumba ang mura kong katawan. Kasabay ng pagbagsak ko ay kasabay ng pagkawala ng mga pangarap ko.
Mamang pulis, pinangarap kong maging isa sa inyo...
"Sabi ko sayo, Toy, wag ka manlaban," bulong ng isa bago ko maramdaman ang malamig na metal sa aking kamay.Nanlaban ako. Pusher ako. Wag tularan.