Wikang Mapagbago

1.3K 18 2
                                    

Okie. It's not SPW but my entry for our school's event. Orayt. Rock and roll to the world. This is not free verse. Heeeelp. By 12 syllables and four stanzas! Four! Ghad. Why am I talking to myself? Anyways, enjoy!

Wikang Mapagbago
ni Lana Pangilinan

Wikang kinagisnan mula ng isilang,
Ito'ng boses ng perlas ng silanganan,
Ilang daang taon bago nahawakan,
Naging sagisag ng paglaya ng bayan.

Ginamit nga ng lahat bilang  simbolo,
Ito'ng bagong simula ng Pilipino,
Simula ng ating bansang mapayapa,
Panahon para sa sariling salita.

Wikang naging bunga ng pagkakaisa,
Wikang bumago sating mahal na bansa,
Wikang nagbigay ng pagkakakilanlan,
Wikang bumago ng buhay at ng daan.

Ngayon, higit-kumulang hindi mabilang,
Mga kasaysayang nabuo ng bilang,
Mga kulturang iisa ang dahilan,
Wikang nagbago't nagbigay kasarinlan.

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon