Andito

791 4 0
                                    

Andito
ni Lana Pangilinan
...

Sa pagpikit ng aking mga mata, kasabay non ay pagdagsa ng mga alaala... Mga alaalang nagpapaalala sa akin sa kung paano tayo dati. Sa kung paano tayo napupuyat dahil sa walang hanggang mga kwento at opinyon, sa kung paanong parehas tayong may sinasabi sa bawat desisyon... Sa kung paanong masaya tayo dati noon.

Hindi ko mawari kung paano at saan, pero hindi ko na maapuhap kung saang daan napunta at naligaw ang mga alaala na yon. Ligaw? Oo, Naligaw!
Naligaw na dahil hindi pa rin sila nakaka-alis sa isip ko. Andito pa din sa utak ko lahat, bawat iyak at tawa noong kasama kita, naalala ko pa.

Hindi pa ako nakakawala pero nakita ko yung post mo kahapon. Hindi pa ako tapos magluksa sa nakaraan nating panahon pero ikaw bumabati na ng weeksary sa ex mo dati kasi sabi mo siya lang ang pinangarap mong babae mula noon hanggang ngayon! Pero... Nasaan ako dun? Sa pagitan ng noon at ngayon? Pero wala namang pagitan ang noon at ngayon dahil nung huling tingin ko ngayon ang pagitan ng noon at ng darating pang mga panahon.

Andito pa din ako... Naiwan ako sa mundong sinimulan mo nung sinabi mo na ako ang gusto mo... Nung mga panahong pinakamahalaga pa ako para sayo, nung pinapaaalahanan mo lagi ako ng "ingat ka mahal, magpapakasal pa tayo."

Dapat pala nag-ingat ako gaya ng sabi mo. Tingnan mo, wala akong nagawa nang aksidenteng dumaan siya sa pagitan at madali niyang natanggal ang kapit ng kamay ko sa kamay mo.

Ito ang unang tula at sanay huli na na isusulat ko sayo.
Pag naghiwalay kayo at naisipan mong bumalik dahil alam mong magpapauto naman ulit ako ay ipaalala mo muna sa akin kung kelan mo sinabing mahal mo ako.

Pilit kong aalalahanin ang mga panahong nagpakatanga ako, pilit kong aalalahanin na naging panakip butas lang ako at ng hindi na maulit ang pagiging makata ko para sayo.

Ako ito, yung babaeng akala kong para sayo, yung minsan mong pinangakuan ng walang hanggang tayo, Hindi pa din ako makaalis sa pwesto ko pero sana wag mo na akong balikan dito. Magiging ayos din ako. Kahit wala ka, kakayanin ko.

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon