Hindi Ko Alam

1.4K 12 3
                                    

Hindi Ko Alam
by Lana Pangilinan
...

Hindi ko alam kung pano ko sisimulan, pano nga ba simulan ang kwento ng pagibig nating hindi pa nawawakasan?
Wala pang wakas pero wala na din ata akong lakas na maibibigay dahil ubos na ako.
Naubos na ako dahil sa dami ng pangako mo, ni isa doon wala akong nakitang nagkatotoo.

Hindi ko din alam kung paanong ang pagibig nating hindi matapos-tapos ay hindi din naman nagpapatuloy.
Diba, sabi ng iba, kung Hindi pa Happy, Hindi pa ending?
Hindi na ako happy... Nagiintay na lang ako ng ending.

Hindi ko din naman alam kung kelan mo ako pakakawalan, Hindi sa gusto kong pakawalan ka, gusto ko lang na makita ka na masaya.
Hindi ko din naman kailangan pang malaman sa iba, hindi na kailangan kase kitang-kita ko naman sa iyong mga mata.
Sa piling ko, hindi ka na masaya.

Hindi ko alam kung paano ako hihingi ng tawad. Hindi ko din naman kasi alam kung saang parte ako nagkulang sayo. Hindi ko alam kung mali ba na minahal kita ng ganito.
Hindi ko nga din alam kung minahal mo din ba talaga ako.

Pag nagmamahal... Diba dapat Hindi nakakasakit?
Pero bakit ganon? Sabi lang ba nila yon?
Bakit ako lang ata yung madaming hinanakit?
Nasasaktan ako eh, pero ibig ba'ng sabihin non wala talagang pagasang mawala na yung pait?

Hindi ko alam kung hindi mo ba pansin o Hindi mo lang pinapansin.
Hindi ko din alam kung bakit parang sanay na akong umiyak ng tahimik... Siguro dahil ganon nga, sanay na akong ngumiti ng pilit.

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan, pano nga ba simulan ang kwento ng pagibig mating Hindi pa nawawakasan?

Hindi ko din naman alam kung pano kita kakalimutan.
Hindi ko alam at di ko naman ata gustong malaman.

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon