Sana
by Lana PangilinanNung una kang nakita, nangibabaw ang inis at galit ko.
Ano bang meron Sayo at napukaw mo ang atensiyon ko?
Gago ka eh. Pilit mo akong hinulog sa pain mo.
Tapos ano? Mababalitaan ko na lang kinabukasan na kayo?
Pinilit kong wag pa-apekto kase kaibigan ko yung mahal mo.
Pero bakit ganon? Bakit masakit kahit na nagparaya na ako?
Sana pala hindi na lang ako sayo nagkagusto.
Sana pala hindi na lang ako nakinig sa mga kwento mo.
Sana pala sa una pa lang pinigilan ko na ang sarili ko, na maaliw sa mga galawan mo dahil masasaktan lang ako.
Nahulog ako mag-isa dahil hindi mo ako sinalo.
Sana... Hindi ako nasasaktan ng ganito.
Sana hindi ako umasa nang pinakita mo na mahalaga ako sayo. Sana hindi ako nahihirapan ng ganito kung hinayaan mo akong ayusin yung sarili ko.
Pero hindi eh, hindi ka nakunteto sa paghulog mo.
Kase nung sinubukan ko na bumangon mag-isa, lumapit ka, ngumiti ka at nakulong akong muli sa iyong mga Mata at naniwala naman akong si Tanga na baka nga totoo na laging andyan ka.
Na kahit kailan hindi na ako mag-iisa.
Pero sana pala hindi na ulit ako nagpakatanga kase sa huli ako pa din yung naiwan sa kawalan.
Ako pa din yung naiwang nasasaktan.
Sa una't huling pagkakataon, aaminin ko na.
Oo na, sige na, mahal kita.
Mahal kita ng sobra-sobra kahit sobrang SAKIT na.
Pero sana... Hindi na lang pala.
Sa mga panahong, naiisip kita.
Hindi ko alam kung bakit ako natatawa.
Dahil siguro ako'y baliw na O Di kaya'y ayaw ng lumuha ng pagod ko ng mga Mata.
Minsan, mahal, napapaisip ka ba?
Iniisip mo man lang ba na sana ako na lang. Na Sana ako na lang ulit.
Alam ko na hindi ako si Basha ng Second Chance pero sana nga... Ako na lang. Ako na lang ulit.
Pero sana kung hindi man talaga Tayo ang tinadhana,
Kung hindi talaga ako ang dadalin mo sa dambana...
Sana naman... Mawala na yung sakit.
Sana naman bukas kaya na kitang harapin ng wala na akong mga bakit.