Pinagtagpo
by Lana PangilinanMasaya akong nakilala kita. Masaya akong nakasama kita sa isang tagpo ng buhay ko.
Masaya akong pinahintulutan ng Ama na makilala kita.
Masaya akong kahit papano naranasan kong maging importante sa isang tao. Isang tao na kahit pilit kong itaboy ay nandyan pa din sa tabi ko.Isang tao na handang magmukhang baduy mapakilig at mapangiti lang ako.
Isang tao na nakangiti na rin ngayon. Nakangiti habang nakatingin dun sa babaeng itinakda sa kanya ng Panginoon. Yung babaeng naglalakad papunta sa kanya na nakatayo at maluha-luha sa altar ngayon.
Yung babaeng kayang suklian yung pagmamahal niyang hindi ko napantayan at kung kelan ngayong wala na... Ngayon ko nararamdaman yung sakit. Ngayon ko tinatanong Yung sarili ko kung bakit, bakit ko ba pinakawalan yung lalaking sa aki'y nagpapasaya.
Bakit ko ba pinakawalan yung lalaking mahal ko pala?
Bakit ko ba hinayaang mawala na lang siya?
Sa dami ng mga tanong sa isip ko ay napangiti na lang ako ng may isang luhang umalpas mula sa aking Mata. Ang saya niyo tingnan. Pinilit ko lang nga ang ngiti ko, kunwari masaya ako for you. Kunwari tears of joy itong mga luha ko.
Kasabay ng pagtaas mo sa belo niya ay ang palakpakan ng mga tao. Palakpakang tila napakasakit para sa pandinig ko. Masayang masaya sila para sa inyo. Pero dahil maid of honor ako kunwari masaya din ako.
Sa bawat tunog ng pagpalakpak ko Ay ang tunog ng nadudurog Kong puso. Durog na durog na ako, pero walang ibang nakarinig. Wala ka na kasi... Wala na akong masabihan ng nararamdaman ko.
Pero siguro, sana, balang araw, makangiti na din ako sayo. Kasi kahit idahilan ko na pinagtagpo tayo, alam ko sa sarili ko na siguro oo pero tama na.
Pinagtagpo kasi tayo, ang masama lang Hindi ako ang itinadhana sayo.