Fangirl
by Lana PangilinanUnang beses pa lang na makita ko ang pagkawala ng iyong mga mata dahil sa pagngiti mo ng masaya... Wala na.
Ngumiti ka pa lang... Di ko na kaya.
Di ko kayang pigilan yung sarili ko na mahawa sa ngiti mong kay saya at kay tamis, tila ba walang problema ang buhay mo, at tila ba masaya ka ng sobra sa mundong ginagalawan mo.Hindi ko nga alam kung paano ko itatago ang mga tili ko kapag kumakanta ka na, pakiramdam ko kasi para sa akin yung kanta...
Kaso... Hindi diba?
Fangirl mo lang kasi ako. At impossibleng mawala ang salitang tagahanga sa unahan ng salitang yon.
Hindi ko din naman alam kung paano tatanggalin yon... Hindi naman kasi ako maganda.
Kumbaga, imposibleng makasalamuha kita sa mundo mo. Sa mundo ng mga taong may talento at mga magaganda at gwapo.Impossible naman lalong maalala mo ako.
Impossible lalong kilala mo ako.
At lalong impossible na alam mong may ako na nabubuhay sa mundo.
Impossible na alam mo na matagal na akong tagahanga mo.Imposibleng alam mo kung gaano ako umiyak ng malamang natsistsismis ka sa Iba.
Imposibleng alam mo kung gaano ka kahalaga.
Imposibleng alam mong isa ako dun sa mga nagpapakatanga."Bakit ba gustong-gusto niyo yang mga yan? Mga bakla naman."
Sa totoo lang, Hindi ko kaya sagutin yung tanong na yon.
Basta lang alam ko, kahit masaktan ako ng paulit-ulit mamahalin pa din kita.Mamahalin pa din kita kasi dun ako masaya.
Masaya akong makita ka sa kamera.
Masaya akong makita kang sunasayaw at kumakanta.
Masaya ako kasi masaya ka.Masaya ako kahit alam kong ang sakit-sakit na.